CHAPTER 56

508 38 6
                                    


PRINCESS ZAHARI POV.

Magda-dalawang araw na simula nung ginawa namin ang tungkulin na binigay sa amin ni Haring Paulo.

Hinihintay parin namin hanggang ngayon ang mga knights na ipapadala ni Princess Hain dahil sa kanila manggagaling ang mga sandata na gagamitin, hindi sapat ang sandatang mayroon kami.

"Wala pa bang sulat galing sa aking kapatid, Princess?" Tanong sa akin ni Prinsipe Arzen.

"Wala pa akong natatanggap na kahit anong sulat sa kaniya pagkatapos nung pagpupulong." Sagot ko sa kaniya.

"Hindi kaya nagbago ang isip niya?" Tanong ko naman sa kaniya, ayaw ko magduda kay Princess Hain pero natatakot kasi ako na matalo kami.

Ang empire namin ang sobrang malalagay sa alanganin dahil ang empire namin ang pinaka gustong masakop ng Zalco Empire.

"Malabong mangyari ang iniisip mo Princess Zahari, kahit na hindi ko kasama lumaki ang mga kapatid kong babae. Alam kong may paninindigan si Princess Hain, nakikita ko yun sa kaniya sa tuwing nakakasama natin siya." Ani 'ya na nagpaalala sa akin na kung hindi dahil sa kaniya hindi kaagad makakagawa ng paraan ang mga hari para makakilos kaagad.

Nadala na ako sa takot na nararamdaman ko dahil hindi ko alam kung paano makatulong sa mga mamamayan namin na naniniwala sa amin.

Napatingin naman ako kay Prinsipe Arzen nang hawakan niya balikat ko, "Maghintay lang tayo sa kanila." Nakangiting ani 'ya sa akin, ngumiti ako sa kaniya at tumango.

Lalabas na sana kami sa tent para tignan ang mga knights na dinala namin pero napatingin kami sa isang knight sa pumasok sa tent namin.

"Princess Zahari at Prinsipe Arzen, may mga dumating po na galing sa bayan ng boriyan." Ulat niya sa akin kaya nagkatinginan kami ni Prinsipe Arzen bago tumingin muli sa knight na nakangiti.

Nandito na sila.

"Tara, puntahan natin sila." Sabi ko sa kanila.

"Tara po." Pangunguna sa amin ng knight na nag-ulat sa amin.

Pagkarating namin naabutan namin sila na abala sa pagbaba ng mga kagamitan at may iba naman na nag-ayos na.

"Ibaba niyo ang lahat at ihanda ang iba." Rinig naming utos ng isa sa kanila

"Nandito na ang Prinsesa at Prinsipe." Ulat naman ng knight na kasama namin sa kanila.

Napatingin sa amin yung dalawang magkasama na nagmamasid sa mga knights ng boriyan.

Mukhang sila ang naatasang mamuno sa kanilang pangkat.

"Prinsesa at Prinsipe? Dalawa pala ang nilagay dito." Sabi nung isa at lumapit sa amin.

"Ako si Commander Anaris." Pakilala nito sa kaniya sarili.

Nabigla ako sa salitang "commander" dahil isang mataas na posisyon na iyon para sa isang knight at ang nakakagulat pa dun ay isa siyang babae.

Talaga bang may posibilidad na magkaroon ng mataas na posisyon ang isang babae maliban sa pinanganak na noble o royalties?

"Ako naman si Princess Zahari." Pakilala ko sa aking sarili.

"Ako naman si Prinsipe Arzen." Pakilala rin ni Arzen sa kaniyang sarili sa kanila.

Napalingon kami sa isang kasama niya na papalapit sa gawi namin.

"Captain." Tawag ni Commander Anaris sa kaniya.

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanila, talaga ngang malaya ang mga kababaihan sa bayan ng boriyan.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now