CHAPTER 20

925 70 5
                                    

LEARY POV.

"Ate saan tayo pupunta?" Tanong sa akin ni Symphony habang magkakahawak ng kamay silang tatlo.

Nandito pa kasi kami sa labas ng pinto dahil hinihintay pa namin na dumating si at yung karwahe na gagamitin namin.

"Mamimili tayo ng damit." Sagot ko sa kaniya.

"Para saan po?" Tanong ni Seraphina.

"Ah! Para po sa selebrasyon?" Tuwang tanong sa akin ni Sonnet.

"Oo." Normal lang na sagot ko sa kaniya.

"Selebrasyon?" Rinig kong tanong ni Symphony.

"Oum! Magkakaroon ng selebrasyon sa palasyo para sa pagdating ng dalawang kuya natin na galing sa akademya, isasabay na rin ang kaarawan ng kuya na tin na matanda lang sa atin ng dalawang taon." Sagot ni Sonnet kay Symphony, nahihimigan ko ang saya at pagkanabik niya habang sinasagot niya ang tanong ni Symphony.

Nakikinig na lamang ako sa usapan nila at hindi na nakisali pa.

"Ano naman ang akademya?" Tanong ni Seraphina.

"Ang alam ko dahil naririnig ko kila ina, ang akademya ay isang paaralan na kung saan hinahasa ang ating kakayahan at kaalaman." Sagot ni Sonnet sa kaniya.

"Tama ba si Sonnet, Ate Leary?" Tanong sa akin ni Seraphina dahilan para mapatingin ako sa kanila.

"Wala ka bang tiwala sa akin, Pina?" Medyo nagtatampong tanong ni Sonnet kay Seraphina.

"Hindi sa wala akong tiwala sayo, Nonet. Hindi ba't mas maanim kung magtanong tayo sa mas nakakatanda sa atin kung tama ba para lang makasigurado, hindi tayo dapat basta basta maniniwala sa naririnig lamang." Pangaral ni Seraphina kay Sonnet.

Saan naman natutunan ni Seraphina ang ganito? Para siyang matanda na kung mag-isip.

"Ehemmm." Tikhim ko para makuha ang atensiyon nilang tatlo.

"Para sa tanong mo Seraphina, tama ang sinabi ni Sonnet sayo." Sabi ko sa kanila.

"At tama rin ang sinabi ni Seraphina kay Sonnet na huwag basta basta maniniwala sa naririnig, mas maganda kung alam niyo mismo ang buong detalye." Sabi ko sa kanila at isa isa ko silang pinagkukurot sa pisnge.

"Pero hindi lahat ng nakakatanda sa inyo ay mabuting tao kaya piliin niyo ng mabuti kung sino ang nilalapitan niyo, maliwanag ba?" Bilin ko sa kanilang tatlo.

"Maliwanag po, Ate Leary." Sagot nilang tatlo sa akin.

"Nandito na po ang karwahe, Mga Prinsesa at Prinsipe.

"Ate Bree!" Sigaw nung tatlo kaya gulat akong napatingin sa kanila.

"Pina."

"Nonet."

"Poni."

"Yun po ang itawag mo po sa amin, huwag na po Prinsesa o Prinsipe. Ang kulit mo po Ate l." Reklamo ni Pina habang naka krus ang dalawa niyang kamay.

"Hahaha. pasensya na." Paumanhin ni Ate Bree sa tatlo.

"Mas maikli po ang amin kesa po sa Prinsesa." Sabi ni Symphony.

"Kaya nga po, 'wag niyo kalimutan Ate Bree." Sabi naman ni Sonnet habang nakaturo kay Ate Bree.

"Oo na, hindi na." Sabi sa kanila ni Ate Bree.

"Tara na?" Tanong ko sa kanila.

"Mamili na tayo ng ating susuotin para hindi tayo gabihin sa pag-uwi." Sabi ko sa tatlo kong batang kapatid.

"Tara na po, nanabik na po ako pumili hehehe." Masayang sabi ni Seraphina at nauna ng pumunta sa karwahe, binuhat naman siya ni Ate Bree para tulongan pumasok sa loob at sumunod naman ang tatlo.

Nakita ko naman sila Kuya Varin sa likod ng Karwahe, kinawayan nila ako kaya ngumiti ako sa kanila.

Magiging haba ang araw na ito para sa amin, sa pagpipili at sa pagsusukat ng susuotin.












TAIYA POV.

Kasalukuyan kaming nagpapahinga ngayon pagkatapos naming makadaan sa bayan ng Kuarayi na walang aberyang nangyari.

"Taiya." Tawag sa akin ni Linus ang inutusan ng Prinsesa na puntahan ako para magdala ng taga boriyan na magaling sa paggawa ng alahas.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kaniya.

"May nais lang akong itanong." Sabi niya.

"Ano yun?" Tanong ko.

"Nakakatiyak ka bang matutulongan tayo ng Prinsesa?" Tanong niya dahilan para mapatingin ako sa kaniya kaagad.

"Alam kong matutulongan ng Prinsesa ang bayan natin Linus, hindi ako manghihingi ng tulong sa kaniya kung wala siyang magagawa para sa atin." Sagot ko sa kaniya.

"Hindi mo ba naisip na baka angkinin niya ang bayan natin?" Tanong niya na kinagalit ko kung kaya't nasampal ko siya.

"Ang tingin mo ba sa Prinsesa ay isang gahaman Linus! Sinabi ko naman sayo noon diba? Na kaya naging maunlad ang bayan ng Boriyan ay dahil nasa kanila ang suporta ng Prinsesa. Kung nais mang angkinin ni Princess Hain ang bayan natin, edi sana matagal na niyang inangkin ang ating lupain!" Bulyaw ko sa kaniya, hindi ko tanggap na pag-isipan niya ng ganun ang Prinsesa.

Hindi gahaman ang Prinsesa nais tumulong sa mga taong pinapabayaan ng kaniyang Ama. Ginagampanan niya ang responsibilidad na dapat ang Hari at Reyna ang gumawa.

Saksi ako sa lahat ng ginawa niya para umangat ng palihim na hindi nahuhuli ng kaniyang mga magulang, unti unti niyang binuo ang boutique kahit na walang halos naniniwala sa kakayahan niya.

Walang araw o gabi na hindi niya pinag-iisapan o pino problema kung ano ang kaniyang gagawin para malagay sa ayos ang lahat.

May pagkakataon na napapaisip ako na impossible ang magawa niya ang gusto niya hanggang sa may kumilala ng gawa at kakayahan, kaya naman unti unting nakilala ang boutique at unti unti na rin niya nagawa ang plano niya sa kanilang magkakapatid.

Kung noon napag-iisipan ko ang Prinsesa na impossible ang gusto niya, ngayon hindi na dahil alam kong magagawa niyang tulongan ang bayan namin.



May tiwala ako sa kanila.



Naniniwala ako sa kakayahan ni Princess Hain.


"Kayang gawan ng Prinsesa ang lahat basta maniwala lang tayo sa kaniya." Sabi ko kay Linus at iniwan siyang mag-isa.

Kayang gawin ng Prinsesa ang lahat lalo na't may matataas na tao ang nasa likod niya na handa siyang tulongan sa ano mang oras.

"Ipagpatuloy na po natin ang paglalakbay papunta sa bayan ng Serevo para matulongan kaagad namin si Master." Sabi ng isang taga boriyan na sinama ko na si Klarin ang isa sa magagaling pagdating sa pagagawa ng alahas.

"Magpahinga muna tayo dahil kapag nagpatuloy na tayo ay hindi na tayo magpapahinga para makarating tayo kaagad sa Serevo." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"Kung ganun magluluto muna ako para sa ating lahat." Sabi sa amin na ng matanda na babae, ayaw ko sana siyang isama kasi baka ano pang mangyari sa kaniya dahil may edad na rin siya ang kaso mapilit siya gusto niya kasing tulongan ang Prinsesa.

"Ako nalang po." Tutol ko sa kaniya.

"Hindi na. ako na, kayang kaya ko na 'to malakas pa ako." Sabi niya sa akin.

"Tulongan ko nalang po kayo para may katulong po kayo sa pagluluto." Sabi ko sa kaniya, ngumiti siya sa akin at tumango, "Sige, mukhang hindi naman kita matatanggihan haha." Nangiting ani 'ya sa akin.












Maraming salamat po sa pagbabasa, ingat po kayong lahat at alagaan niyo po ang inyong sarili ^^

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now