CHAPTER 19

946 66 7
                                    

"Princess Hain." Tawag sa akin ni Sieya pagkapasok niya sa isang silid ko dito sa panandaliang tinutuloyan, ginawa ko itong pansamantalang oposina.

"Ano yun?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ko ang paunang plano ko para sa bayan ng Serevo.

"May dumating pong sulat na galing kay Taiya." Sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya.

Lumapit siya sa akin at binigay sa akin ang sulat saka siya bumalik sa dati niyang pwesto.

Pinagmasdan ko siya sandali, parang ako yung napapagod sa kaniya na nakatayo eh.

"Umupo ka, Sieya." Utos ko sa kaniya.

"Ayos lang po ako, Prin–"

"Sundin mo sinabi ko." Putol ko sa sasabihin niya.

Nang makita ko na siyang nakaupo na, sinimulan ko ng buklatin at basahin ang pinadalang sulat ni Taiya.

Nakalagay sa sulat niya ang sitwasyon ng mga nagtitinda sa gilid ng boutique at ang mga tauhan na dinala niya na makakatulong. Nakalagay rin sa sulat niya ang pagbabalik nila dito sa Serevo.

"Mukhang magiging sobrang abala tayong lahat bukas." Usal ko, matapos kong mabasa ang sulat ni Taiya.

"Sieya." Tawag ko kay Sieya, kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo.

"Ipatawag ang bawat pinuno ng mga distrito at si Duke Marvis pati na rin ang mag-inang si Bea at Tomas na taga boriyan." Utos ko sa kaniya.

"Masusunod po Kamahalan, alis na po ako." Sabi niya at yumuko na muna sa akin bago umalis.

Malayang nakakapasok ang ibang tao dito sa Serevo dahil hindi sila gaya ng Boriyan na may nagtaasang pader sa buong bayan boriyan para malimitahan ang pagpasok ng tao sa bayan nila.

Ang paraan na si Hain mismo ang nakaisip para sa seguridad ng buong mamamayan ng bayan nila.

Kung gagawin ko rin yun dito sa bayan ng Serevo magiging panatag ako sa kaligtasan ng anak ko habang nanatili kami rito.

Ngunit sa laki nang lupain ng Serevo tiyak akong matatagalan ang paggawa ng pader, kailangan madagdagan ang tauhan para mapabilis ang paggawa.

*Tok, Tok* katok sa pintuan, "Pasok." Sabi ko

Nataka ako kung bakit maliit lang ang pagkakabukas ng pinto kaya hinihintay ko kung sino ang papasok.

Napangiti ako nung isilip ni Levan ang ulo niya at ngumiti, "Hali ka, pasok ko." Sabi ko sa kaniya.

Pagkapasok niya sinarado niya kaagad ang pinto at lumapit sa akin.

Pagkalapit niya sa akin, binuhat ko siya para i upo sa legs ko, "Naglaro ka ba?" Tanong ko sa kaniya dahil pansin ko ang kunting pawis niya sa mukha.

"Opo, naglaro kami ni Kuya Tomas kasama yung ibang bata." Masayang pagkakasabi niya sa akin.

"Mama, sabi ni Kuya Tomas tutulongan niya rin daw po ako sa pag-eensayo. Magkasama na po niyan mag-eensayo." Dugtong niya, kitang kita ko talaga sa mukha niya ang saya kaya hindi ko na napigilan ang aking sarili na hawakan ang dalawa niyang pisnge, nakakagigil.

"Ang kyut mong bata ka." Nanggigil kong saad sa kaniya.

*Tok, Tok* Rinig naming katok, nakita namin ang pagpasok ni Sieya.

"Pagbati sa Prinsipe." Bigay galang niya kay Levan at umayos na sa pagkakatayo.

"Nagawa ko na po ang pinag-uutos niyo, Kamahalan." Ulat niya sa akin.

"May gagawin ka po, Mama?" Tanong sa akin Levan.

"Nagpatawag ng pagpupulong si Mama." Sagot ko sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now