CHAPTER 8

1.1K 77 6
                                    



HAIN POV.

Pagkalabas ko sa guest room na yun nakita ko yung lalaki na nagpapasok sa akin sa guest room kanina base sa postura at pananamit niya mukhang siya ang butler ng hari.

"Saan ang opisina ng hari?" Tanong ko sa kaniya.

Gulat naman siyang napatingin sa akin,  "P-Po?"

"Opisina ng hari saan? Paki turo." Sabi ko sa kaniya.

"A-Ah, samahan ko nalang po kayo Mahal na Prinsesa. "Ani 'ya at pinangunahan ang paglalakad, sinundan ko naman siya hanggang sa huminto kami sa isang pinto.

"Dito po ang opisina ng Mahal na Hari, Prinsesa. " Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Pumasok ako sa loob at umupo para hintayin ang hari na dumating.

"Habang hinihintay niyo po ang Hari, may gusto po kayong kainin o inumin Prinsesa Hain?" Tanong niya sa akin.

"Hindi na kailangan. "Sagot ko sa kaniya.

"Ah baka matagalan ang Ha-"

"Ayos lang, maghihintay ako. Hindi naman ako pumunta dito para kumain, may kailangan ako sa hari."Pagputol ko sa kaniya.

"Kung ganun, kung may kailangan kayo sabihan niyo lang po ako nasa gilid lang ako." Sabi niya at tumayo malapit sa pinto.

Habang hinihintay ko na dumating ang hari ni relax ko muna ang aking sarili at pumikit na muna para maka idlip lang sandali.

Hindi namalayan kung nakarating na ba ang hari hanggang sa naramdaman ko na may naglalagay sa akin na isang malambot na tela kaya naman unti unti kong minulat ang aking mga mata at nakita ko ang Reyna na kinukumutan ako ng mapansin niyang gising na ako ngumiti siya sa akin.

Ginala ko ang paningin ko at nakita ko ang mga Prinsipe kahit na ang mga batang Prinsipe, nagtagpo naman ang tingin namin ng hari ng papunta sa direksyon niya ang tingin ko.

Ako ang umiwas ng tingin at inayos ko ang pagkakaupo ko.

"Mukhang pagod ka, maaari namang matulog kana muna para makapag pahinga ka." Sabi ng Reynan sa akin.

"Hindi na, salamat." Tugon ko sa kaniya

"Pasensya na ang himbing kasi ng tulog mo kaya hindi kana namin ginising." Sabi ni Easton.

Napatingin naman ako sa mga batang Prinsipe,  napaiwas sila ng  tingin sa akin ng nakita nilang akong nakatingin sa kanila.

"Ilang oras akong nakatulog?"Tanong ko.

"Halos dalawang oras ka ring tulog." Sagot naman ng crown prince.

"Pasensya na"

"Ayos lang ang mahalaga nakapag pahinga ka." Rinig kong sabi ng Hari.

"Ang sabi ni Bernard may kailangan ka daw sa akin."  Sabi ng Hari at umupo sa gitnang upuan.

"Sayo lang,  hindi ako nasabihan na kompleto kayo dito. Nakatulog lang ako eh." Daretsya kong sabi sa kaniya.

Namayani naman ang katahimik sa loob dahil sa sinabi ko.

"Hindi mo na dapat binalik ang buwan buwan na salipi na binibigay ko." Pagbasag ng katahimik ng Hari.

"Bakit kulang pa ba ang 500, 000 million gold? Sabihin mo lang kung kulang pa dudoblehin ko" Tanong ko sa kaniya na kinatingin  niya sa akin

"500, 000 million gold?" Tanong niya bahagya pang lumaki ng kunti ang mga mata niya

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now