SPECIAL CHAPTER

249 36 2
                                    



Pagkalipas ng dalawang buwan pagkatapos ng nangyaring digmaan, tapos narin gawin ni Hain ang mga plano niyang para sa dalawang empire na pamumunuan niya, sinimulan na rin gawin ang mga hakbang na pagsasamahin ang dalawang, sinakop narin ang mga bakanteng lupain para masagawa ang pagdugtong ng dalawang empire. 

Dahil sa nangyaring na pagtatalo nila Hain ng kaniyang tunay na pamilya noong siya ay pinatawag,  hindi na nagdalawang isip si Hain na ihiwalay ang Serevo at Boriyan sa Eligarco Empire. Walang nagawa ang Emperor ng Eligarco Empire sa ginawa ni Hain dahil alam niyang hindi niya ito magagawang pigilan lalo na't si Hain ang mas angat sa kanilang lahat.

"Head Capt. Bea, tapos na ang pagsasaayos ng pader ng Eligarco Empire." Ulat ng isang Knight kay Head Capt. Bea na naiwan maging pinuno ng Boriyan kasama ang kaniyang asawa. 

"Salamat, makakaalis ka na. Ipapatawag nalang kita kapag may ipapagawa ako." Tumango naman sa kaniya ang Knight at umalis na.

"Ang sususnod na hakbang nalang natin niyan ay suriin ang bawat bakanteng lupain kung may grupo ng mga tao na ninirahan sa mga lupaing ito para walang problema sa pagdugtong natin sa dalawang empire na pinagsama ni Hain." Ani ng asawa ni Head Capt. Bea habang naka tingin sa may kalakihang mapa na nasa isang board kung saan nakalagay ang mga ilan sa plano ni Hain.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa nating humilay sa Eligarco Empire." Sabi naman ni  Head Capt. Bea habang nakaupo na nakatingin sa kaniyang asawa.

"At hindi yun mangyayari kung wala si Hain, ang laki na ng nagawa niya para sa atin. Masaya ako na kasama tayo sa panibagong Empire na binubuo niya, kahit pa na ang layo-layo natin sa centro." Medyo natawa naman si Head Capt. Bea dahil sa malungkot nitong eksprsyon sa huli nitong sinabi.

"Kung naririnig ka lang ni Hain ngayon, matatawa yun sayo at ma-isip pa nun na ayaw mo nahihiwlay sa kaniya." Mabilis naman napatingin sa kaniyang asawa sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

"Hindi naman ako nagpapatawa, mahal." Angal ng kaniyang asawa ngunit tumawa lang siya at tumango sa harap nito.

"Mahirap naman kasi malayo kay Hain lalo na't kinikilala ko siyang kapatid, nung dumating siya sa atin pakiramdam ko hindi na ako isang ulilang tao na wala ng pamilya noong dumating kaya gusto ko talaga malapit lang kami sa isa't isa para naman masubaybayan ko pa yung mga nagagawa." Pakikinig ni Head Capt. Bea sa kaniyang asawa na nagsasalita habang nakangiti.

"Kay bilis lumipas ng panahon, parang kailan lang na isa pa tayong lugmok na bayan ngayon isa na sa maunlad na bayan sa lahat. At parang kailan lang din na mula sa isang prinsesang wala kahit ano si Hain ngayon isa ng bagong Emperor o Empress ng bagong empire na binubuo niya." Nakangito ring wika ni Head Capt. Bea.





Sa kabilang banda naman ay masayang magkakasama sina Hain kasama ang pamilya nila sa Revilloza Empire habang sila ay nasa isang malawak na hardin. Kasama nila ang dalawang kapatid ni Hain na lalaki na sina Azanch at Sonnet pati na ang Duke ay kasama rin nila.

"Pag-usapan naman natin ngayon ang tungkol sa pagpayag mo na maikasal sa Duke, anak ko." Sabi ni Haring Kirus na may ka seryosuhan ang mukha na nakatingin sa Duke kahit na ang sinasabi nito ay para kay Princess Hain.

Hindi naman maiwasang makaramdam ng kaba ni Duke lalo pa't Hari ng Revilloza Empire ang kinikilalang ama ni Princess Hain na kaniyang kaharap ngayon.

"Bakit Papa? tutol ka ba sa pagpayag ko na maikasal sa kaniya?" Tanong ni Princess kay Haring Kirus na dahilan upang sa kaniya na ito mapatingin, naka hinga naman ng maluwag ang Duke nung wala na sa kaniya ang atensiyon ng Hari sa kaniya sa siyang palihim na kinatawa ni Princess Hain.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 09 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now