CHAPTER 11

1.1K 77 3
                                    


Habang naglalakbay sina Hain patungo sa bayan ng Serevo, nakarating naman sina Leary sa palasyo kasama ang kaniyang mga kapatid at ang mga bantay na inutusan ng kaniyang nakakatandang kapatid na magbantay sa kanila ng mabuti.

Pagkababa ni Leary sa karwahe na kanilang sinakyan hindi niya inakala na maraming sasalubong sa kanila, kasama na doon ang kanilang magulang,  na Hari, at Reyna, pati na ang kanilang mga kapatid na Prinsipe.

Habang papalapit sila sa gawi ng Hari at Reyna, nagbigay galang naman ang mga nakaliherang nga taga silbi at kawal ng palasyo sa kanila.

Bago kay Leary ang ganitong ganap kaya hindi niya maunawaan kung ano ang dapat niyang maramdaman dahil sa simula ng siya ay nagkaisip hindi maganda ang pakikitungo sa kaniya ng mga taga silbi sa kaniya ng palasyo.

"Mga Mahal kong Prin—" Hindi natuloy na pagbati ng Reyna.

"Pagbati sa Hari at Reyna ng kaharian." Pagbigay galang ni Leary sa kaniyang mga magulang.

Nagsimula naman magkaroon ng kunting bulongan dahil sa pagputol ni Leary sa sasabihin ng Reyna.

Naguguluhan namang nakikinig sina Symphony at Seraphina kaya lumapit sila ng husto kay Leary na siyang kinatingin ni Leary sa kanila bago ibalik ang kaniyang tingin sa mga tao na nasa kanilang harapan.

"Mama!" Tawag ni Prinsipe Sonnet sa Reyna at patakbong lumapit sa pwesto ng Reyna.

Namuo naman ang lungkot sa nga mata ng dalawang munting Prinsesa na nagtatago sa likuran ni Leary na hindi naman nakatakas sa paningin ni Leart kaya naging blanko ang mukha nito na nakatingin sa kanilang pamilya na nasa kanilang harapan na masayang kinakausap ang bunsong Prinsipe.

"Kamusta ang araw ng munti naming Prinsipe? Napagod ka ba?" Malambing na tanong ng Reyna kay Prinsipe Sonnet.

"Masaya po Mama, hindi po ako "

"Kamusta naman ang pamamalagi mo sa tahanan ng iyong mga nakakatandang, maayos naman ba?" Tanong naman ng Hari.

Hindi mapigilan ni Leary na iyukom ang kaniyang kamay matapos marinig ang tanong ng Hari kay Prinsipe Sonnet.

"Mawalang galang na, Mahal na Hari." Pag-aagaw pasin nito sa kanila dahilan para mapatingin sila kay Leary.

"Base sa inyong katanungan, inaakala niyo ba na tatratuhin namin ang bunsong Prinsipe sa kung paano niyo kami tratuhin, Kamahalan?" Blankong wika ni Leary sa kanila na kinagulat nilang lahat.

"Nagkakamali ka ng pagkakaintindi."

"Kung ganun ipaintindi niyo, kahit na itinapon niyo kami at inatsapwera. Hiyaang maghirap sa kamay ng Headmaid, hindi namin magagawang gawin yun sa iba dahil hindi yun gusto ni Ate Hain." Dahil sa mga katagang binitawan ni Leary hindi alam ng Hari kong ano ang kaniyang sasabihin.

"Kung pinapunta niyo kami dito para diyan at pahiyain sa mga nakalihera niyong taga silbi at kawal. Nag-aksaya kamang kayo ng oras dahil wala naman kaming paki." Dagdag pang bigkas ni Leary sa kanila.

"Hoy! Ang kapal ng mukhang sagutin ng gan'yan ang ating, Amang Hari!" Sigaw ng tinig muka sa likuran ng Reyna na mabilis pumunta sa harap upang harapin si Leary.

"Amara." May diing bigkas ni Leary sa pangalan ng taong nasa kanilang harapan.

"Ako nga, Hindi porke wala na kayo sa pakasyo ay maging mapagmataas na kayo, eh isa lang naman kayong inambandonang Prinsesa"

Nakatanggap ng isang malakas na sampal si Amara mula kay Leary pagkatapos nito magsalita.

Galit at hindi nakapaniwalang tumingin si Amara kay Leary, gaganti sana si Amara kay Leary ng may pumigil sa kaniya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now