CHAPTER 48

604 37 2
                                    



DUKE MARVIS POV.

Naglalakad ako ngayon papunta sa bahay na tinutuloyan ni Hain dito sa serevo para magpaalam sa kaniya na babalik muna ako sa Dukedom para ihanda ang knights ko na pumunta sa boriyan.

Sa paglalakad ko nakita ko sila Taiya at Marko na magkasama na may mga dala dalang dokumento.

"Kuya?" Tawag sa akin ni Marko.

"Magandang umaga Duke Marvis." Pagbati sa akin ni Taiya.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ko sa kanila.

"Kay Princess Hain po, Duke." Sagot sa akin ni Taiya kaya napatingin naman ako saglit sa dala nila.

"Kuya, mga report paper's lang mga ito at sulat na galing sa boriyan." Sabi ni Marko kahit wala pa man akong tinatanong sa kaniya.

"Pupuntahan mo rin po ba si Princess Hain, Duke?" Tanong sa akin ni Taiya.

"Oo, magpapapalam sa kaniya sa pag-alis ko pa—" hindi natapos ng sasabihin ko dahil sa pagsingit ni Marko.

"Kahit hindi ka naman magpaalam sa kaniya na umuwi Kuya, pwede ka ng umalis eh." Sabi niya sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Magpapaalam ako sa kaniya para alam niya na ihahanda ko ang knights na mayroon tayo para makapag-umpisa na sa pagsasanay nila sa boriyan." Walang emosyon kong sabi sa kaniya dahilan upang tumikom ang kaniyang bibig at manahimik nalang.

"Magsasanay ang knights niyo sa boriyan? Para saan Duke?" Tanong ni Taiya sa akin.

"Para sa darating na digmaan, nais niyang tulongan namin sila sa digmaan." Sagot ko sa kaniyang katanungan.

"Tutulong pala ang Prinsesa sa digmaan, akala ko hindi siya tutulong dahil sa kumakalat na sabi-sabi na tinanggihan ng Prinsesa ang alok ng mga Hari na tumulong sa digmaan."

"Sakop ng Eligarco ang serevo at boriyan kaya natural lang na tutulong siya sa digmaan, diba?" Sabi ni Marko na tila nag-iisip

"At isang ding pinuno si Hain, mahalaga sa kaniya ang kapakanan ng kaniyang nasasakupan." Sabi ko sa kanila at nauna ng nagpatuloy sa paglalakad.

Siguro naman sapat na yung sinabi ko na isang pinuno si Hain kaya naman tutulong talaga siya sa digmaan para masigurado ang kalagayan at kaligtasan ng nasasakupan niya.

Sa kaniya na mismo nanggaling na gusto niya maging ligtas ang lahat kaya naman sasama siya sa digmaan.

"Kung tutulong siya sa digmaan, pati ba ang Revilloza Empire kasali?" Rinig kong tanong ni Marko habang naglalakad kami.

"Hindi ko alam, walang sinabi si Hain tungkol sa pagtulong ng Revilloza Empire sa magaganap na digmaan." Sagot ko sa kaniya.

"Kung tutulong ang Revilloza Empire, malaki ang t'yansa na mananalo tayo sa digmaan."

"Malabong tutulong ang Revilloza Empire dahil hindi sila nakikisali sa away ng ibang kaharian dahil ayaw nilang madamay sa gulo ng mga ito, mas gugustuhin pa nilang panatilihin ang kapayaan sa kanilang kaharian." Pagsalungat naman ni Taiya sa sinabi ni Marko.

"Hindi malabong tutulong sila sa atin lalo na't nalaman ko na tinuturing anak ni Haring Kirus si Princess Hain." Pagsalungat din ni Marko sa sinabi ni Taiya, habang ako na nawawalan ng interest na makinig sa sinasabi nila.

Napahinga naman ako ng maluwag dahil nasa harap na kami ng bahay ni Hain.

"Panigurado tutulong sila sa dig—"

"Nandito na tayo." Pagputol ko sa sinasabi ni Marko para matigil na rin siya.

Dahil maski ako hindi rin alam kung tutulong ang Hari ng Revilloza Empire sa digmaan, pero para sa akin kahit hindi na sila tumulong ayos lang para naman hindi mag-alala ang mga bata na nasa pangangalaga nila.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now