CHAPTER 46

725 48 4
                                    



THIRD PERSON POV.

Habang nagkakaroon ng plano ang hari ng algunas sa naiisip nitong paglusob sa kaharian nila Hain,  kasalukuyan namang nakarating na sa harap ng serevo sila Hain kasama ang mga magsasaka at ang mga pamilya ng mga ito.

napangiti naman si Hain nang makita niya ang unti-unting pagbabago ng serevo, " Hindi ko akalain na ganito ang resulta na madadatnan ko ngayon." sabi niya habang nakangiting pinagmamasdan ang pader na ginagawa ng serevo na halos patapos na.

"Ito ba ang bayan ng serevo? o naliligaw tayo?" tanong ni Marko hanbang tutok na nakatingin sa daang papasok sa serevo at sa mataas nitong pader.

"Hindi tayo naliligaw ito nga ang bayan ng serevo na nasa ilalim ng pamumuno ni Princess Hain." sabi naman ni Duke Marvis sa kaniyang kapatid na si Marko.

gulat naman napatingin sa kaniya ang kaniyang kapatid, " totoo kuya? hindi ba't ito ang bayan na pinaka mahirap sa lahat?" tanong nito

"Ito nga...........ngunit hindi na ngayon dahil titiyakin ko na magiging maunlad ito gaya nang sa bayan ng boriyan." si Hain na ang sumagot sa tanong nito.

"Gaya ng boriyan?" naguguluhang taong ni Marko at pinoproseso sa kaniyang isipan ang sinabi ni Hain sa kaniya.

Kalaunan ay napatingin siya kay Hain nang maintindahan niya ang sinabi nito sa kanya, "I-Ikaw nga talaaga ang Ma-Master ng boriyan?" nauutal pang tanong ni Marko kay Hain dahil sa gulat.

Ngumiti si Hain kay Marko, "Ako nga." sagot ni Hain at sabay patakbo ng kaniyang kabayo papasok sa bayan ng serevo.

Tulala nama siyang nakatingin kay Hain na papalayo.

Hindi siya makapaniwala na si nga Hain ang kinikilalang Master ng boriyan.

"Marko, tara na!" Sigaw ni Duke Marvis sa kaniyang kapatid kaya naman nahismasan ito at sumunod na sa pagpasok sa bayan ng serevo.

Pagpasok naman ni Marko sa loob ng serevo nadatnan niya si Hain na pinalilibutan at ginala niya ang kaniyang paningin sa buong paligid na may dekorasyon at may mga naka handang pagkain.

"Maligayang kaarawan, Princess Hain!"

"Maligayang kaarawan, Mahal naming Prinsesa!"

"Maligayang kaarawan!"

Rinig niyang paulit-ulit na sigaw ng mga tao habang masayang nakapalibot sa Prinsesa.

Hindi na alam ni Marko kung ano ang magiging reaksyon niya dahil hindi niya inaakala na ganito ang madadatnan niya sa bayan ng serevo hindi niya rin inaakala na ganito ang sasalubong sa kanila pagdating sa bayan ng serevo dahil ang pagkakilala niya sa bayan nito ay pinaka wala o nahihirapan sa lahat.

pinanood niya ang interaksyon ng mga tao sa Prinsesa na kita sa mga ito ang tunay na labis na kasiyahan sa kanilang mukha.

"Hindi ako nagkamaling ipasama ka dito at maging isa sa mga magtatrabaho para sa Prinsesa." sabi ni Duke Marvis sa kaniyang kapatid nung makalapit siya sa pwesto nito.

"Tamang-tama ang lugar na ito para sayo." dugtong ng Duke at ngumiti ng bahagya sa kaniyang kapatid.

napangiti naman si Marko sa sinabi ng kaniyang nakakatandang kapatid at pinagpatuloy ang panonood sa mga mamayan ng serevo habang kasalamuha ang Prinsesa.

"Maraming salamat, Kuya" ang nais sabihin ni Marko sa kaniyang kuya ngunit sa isipan na lamang dahil....."Baka naman kaya dito mo ako gustong ilagay kuya para may dahilan kang pabalik-balik dito o manatili dito, gagawin mo lang akong excuse para sa Pinsea niyan eh HAHAHAHAHA" mas pinili niyang asarin na laamang ang Duke Marvis.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now