CHAPTER 58

549 42 7
                                    

Pagkaaninag ni Captain Yenari sa bayan na kunti nalang ay makakarating na sila.

"Malapit na tayo, tara na." Usal ni Captain Yenari sa mga kasama niya.

Inabot sila ng tatlong araw sa paglalakbay dahil dadaretso pa sila sa bayan ng boriyan.

Mabilis na pinatakbo ni Captain Yenari ang kaniyang sinasakyang kabayo habang nakasunod naman sa kaniya sina Albert.

Nung mapansin ng mga nagbabantay sa tarangkahan ng boriyan ay kaagad silang sumigaw na buksan ang tarangkahan dahil sa pagdating ng isa sa kanilang mga Captain.

"Si Captain Yenari? Sino ang mga kasama niya?" Tanong ng isang nagbabantay sa kaniyang kasama.

"Hindi ko alam, parehas tayong nandito anong ka malay-malay ko kung sino sila."

"Kahit kailan talaga hayss. Hindi yata nila kasama si Master?"

"May nakita ka ba?" Pangbabara muli sa kaniya ng kaniyang kasama.

"Alam mo Tanuwi, kakainis ka kasama." Naiinis na usal nito sa kaniyang kasama samantalang hindi naman makuhang maintindihan nito ang sinabi niya.

Pinagmasdan nalang siya ng kasama niya na papaalis habang nakatangang nakatingin sa kaniya, "Anong nakakainis dun? Tama naman sinagot ko ah?" Naguguluhang tanong niya habang nakatingin sa kasama niya na umalis para lapitan sina Captain Yenari.

"Captain Yenari, sino sila?" Tanong ng isang kawal na nagbabantay sa tarangkahan kay Captain Yenari.

"Sina Albert, dito na sila manunuluyan kasama natin, utos ni Master." Sagot naman ni Captain Yenari sa kawal.

"Eh si Master, nasaan?" Sunod na tanong ng kawal kay Captain Yenari.

"Pasensya na. Wala na akong oras para sagutin ang mga tanong mo kailangan ko magtungo kila Co-Head Captain. Ikaw na munang bahala sa kanila bigyan mo sila ng matutuloyan dito pati na mga pangangailangan nila." Pahihingi ng pasensya ni Captain Yenari sa knight at inutusan pa ito na siya na muna mag-asikaso sa mga kasama ni Captain Yenari pabalik ng boriyan.

"Masusunod po, Captain Yenari." Tugon ng knight kay Captain Yenari.

"Kuya Albert, sumama po kayo sa kaniya. Siya na po muna bahala sa inyong lahat." Sabi ni Captain Yenari kina Albert.

"Sige, maraming salamat." Pasalamat ni Albert kay Captain Yenari, ngumiti naman ng bahagya ni Captain Yenari sa kanila bago patakbong pumasok sa ginagamit na tuloyan at opisina ng kanilang Head at Co-Head Captain.

Pagkapasok niya sa loob naabutan niyang nag-aayos ng kagamitan ang mag-asawang sina Head Captain Bea at Co-Head Captain Michael.

"Yenari?" Bigkas ni Head Captain Bea sa pangalan ni Captain Yenari.

Hingal na hingal si Captain Yenari kaya nagpahinga na muna siya ng kunti bago magsalita sa kanila.

"Nasaan si Hain? Bakit hindi mo siya kasama?" Tanong ni Co-Head Captain Michael kay Captain Yenari.

Huminga na muna ng isang beses si Captain Yenari bago humarap sa kanila ng mabuti.

"Nagpaiwan po si Master sa Ganhera Empire." Sagot niya sa kanila, gulat naman ang naging reaksiyon ng mga ito sa sinagot ni Captain Yenari sa kanila.

"Ano?! Bakit mo siya sa iniwan dun?" May kalakasang tanong ni Head Captain Bea kay Captain Yenari.

"May nalaman kasi si Master kaya ako ang pinaunang pinabalik niya dito kasama ang magpamilya na pinatakas niya doon kasama ko. Gusto ni Master na ako nalang bumalik para sabihin sa inyo na maaga ang pagsugod ng Algunas Empire, limang araw pero naglakbay kami ng tatlong araw kaya dalawang araw nalang ang natitira sa atin." Paliwanag ni Captain Yenari, hindi naman nakakibo ang mag-asawa sa kanilang nalaman.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now