CHAPTER 35

814 68 4
                                    

"Ohh? Isang baron." Sarkastikong pagkakawika sa kaniya ni Ama.

Kita ko naman ang pag-iba ng ekpresyon ng baron dahil sa sinabi ni ama.

"Isang Prinsesa ng inyong kaharian? Sa pag-aaral ko sa mga pamamaraan niyo rito. Hindi niyo tinatanggap o kinikilala ang isang PRINSESA dahil mas nais niyo ang isang PRINSIPE, tama ba ako Haring Edward?" Tanong ni Amang Kirus sa tunay naming ama.

"T-Tama, y-yun ang nakalagay sa b-batas ng Eligarco Empire." Utal utal na sagot nito.

"Na nangangahulugan lang na malayang tao ang mga Prinsesa at hindi pagmamay-ari ng sino man maski ang sinasabi mong kaharian, BARON LANCE CARDEJON." May diing pagkakasabi ni Amang Kirus sa baron.

"Ngunit anak sila ng Hari at Reyna ng aming kaharian, Haring Kirus." Hindi pagtanggap ng baron sa sinabi ni Ama sa kaniya.

Ano bang pinaglalaban niya? Hindi niya ba pinag-aralan ng mabuti ang batas ng kaharian?

Pinapahiya niya lang ang sarili niya kay Ama dahil sa ginagawa niya.

Walang emosyon namang tumingin sa kaniya si Ama, "Isa kang baron ngunit ang kaalaman mo sa batas ng sinasabi mong inyong kaharian ay tila hindi sapat ang iyong nalalaman, baron? Matatawag mo ba ang inyong sarili na isa sa mga noble? na kung ang pinaka simpleng batas ng kaharian niyo ay hindi mo pa lubusang alam." Saad ni Ama sa kaniya.

Hindi naman siya makapaniwala sa sinabi ni Ama sa kaniya, bakas sa mukha niya ang pagkahiya at hindi kayang pagtanggap sa ginawa ni Ama.

Napatingin naman ako sa tunay naming ama ng bigla itong tumayo, "Baron. hindi ka dapat nakikisala sa amin usapan, umalis ka na bago ko maisipan na ipadakip ka pagkwestiyon mo sa Hari ng Revilloza." Sabi niya sa baron.

Napayuko naman ang baron sa amin, "P-Patawad sa aking ginawa." Sabi niya at umalis kaagad.

Bumalik naman siya sa pagkakaupo pagkatapos umalis ng baron.

"Ako na humihingi ng kapatawaran sa inasal ng baron, Haring Kirus." Panghihingi niya ng kapatawaran sa ginawa ng baron.

"Ayos lang, kalimutan nalang natin na nangyari yon."

"Maraming salamat."

"Kamahalan. tapos na naming ibigay ang regalo, kami ay aalis na dahil maglalakbay pa kami pabalik." Paalam ni Taiya sa amin.

"A-Ah sige, maraming salamat sa magandang regalo." Pasalamat ng Reyna kay Taiya.

"Mag-iingat kayo sa pagbabalik niyo, Taiya." Sabi ni Amang Kirus sa kaniya.

"Maraming salamat, Kamahalan."

"Ingat ka rin po Ate Taiya, sumama ka po kay Ate Dev kapag bibisita na siya sa kaharian." Bilin ng dalawang Prinsesa sa kaniya.

"Kapag natapos na po ang lahat, isang karangalan na makabisita muli sa inyong kaharian." Nakangiting tugon ni Taiya sa kanila.

"Aasahan namin yan."

"Aalis na po kami, Princess Hain." Paalam niya rin sa alin.

"Maraming salamat sa inyo, ingat kayo sa pagbalik." Sabi ko sa kaniya.

Yumuko na muna sila sa amin ng panandalian bago sila umalis.

"Hindi ko na nauunawaan ang nangyayari." Sabi ng panganay sa amin.

"Ito nalang isipin mo Crown Prince Exion, kinikilalang Prinsesa sa kaharian namin si Princess Hain Deveo Nacario." Sabi ni Amang Kirus sa kaniya habang abala kay Levan sa pagbigay ng pagkain sa kaniya.

"Per–" aangal sana siya kay Ama ngunit,

"Malaya sila kaya malaya rin kaming tanggapin siya at ang mga taong mahalaga sa kaniya." Pagputol ni Ama sa sasabihin niya.

I CAN LEAD (Ongoing)Where stories live. Discover now