Kabanata 3

456 16 0
                                    

Shizuka

          "Ano ba kasing ginawa mo sa tore at nagtagal ka?"

          Napasimangot ako ng muli niya kong ulanan ng tanong. Pabalik na kami ngayon sa silid ng Shindae. Medyo natagalan nga talaga akong bumaba dahil pahinto-hinto ako. Ikaw kayang bumaba sa napakahabang hagdan na yun. Nakakahingal.

          "Tinunaw ang magandang tanawin." pagsisinungaling ko.

          Napasimangot siya. Bawat tanong niya ay iyan ang sinasagot ko. Alangan namang sabihin ko na nakipagkita ako sa isang matandang lalaki. Maguguluhan siya at baka lalo akong tanungin ng tanungin.

          Hindi ko pa rin maisip kung magtitiwala ba ko sa matandang lalaki na yun o hindi? Hindi ko maisip kung hahanapin ko ba ang lugar na tinuturo ng mapa o hindi?

          Pangalan niya lang ang alam ko. Iyun lang.

          "Gusto mo tubig?"

          "Tinunaw ang magandang tanawin."

          Napatigil ako sa paglalakad ng makaramdam ako ng malakas na hampas sa braso. Nakasimangot na nilingon ko si ate Zoey habang hinihimas ang namumula kong braso.

          "Ayos sana kung hihinaan mo. Namumula oh." saad ko at tinuro ang braso kong pinalo niya. Hahampasin niya sana ulit ako ngunit pinangharang ko na ang dalawa kong braso.

          "Nakakainis ka! Kanina pa kita kinakausap iisa lang ang sagot mo. Tinatanong kita kung gusto mo ng tubig tapos sagot mo tinutunaw ang magandang tanawin."

          Napangiwi ako. Iba pala tinanong niya. Pasensya na, lutang ako eh.

          Yumuko ako. "Pasensya na."

          "Ano ba kasing ginawa mo dun?"

          Ito nanaman tayo. Tsk. Babarahin ko na sana sya ng mahagip ng mata ko ang isang lalaki na naglalakad patungo sa mahabang pasilyo.

          Napangiti ako at hinarap si ate Zoey.

          "Sa susunod nalang ulit ate Zoey. Una na ko. Paalam!"

          Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at mabilis akong tumakbo patungo sa mahabang pasilyo.

          "Shizuka!"

          Sorry ate Zoey. Pero hindi ko talaga masasabi sayo. Hangga't hindi pa ko sigurado kung totoo ang sinasabi nung matandang lalaki. Wala akong pagsasabihan tungkol sa kaniya.... ahmm maliban lang kay Noah dahil may pangako nga pala kami sa isa't isa.. na sasabihin ang bawat importanteng pangyayari.

          Mas lumawak ang ngiti ko ng makita siyang mag-isang naglalakad. Tulad ng inaasahan ko, mag-isa lang siya. Ayaw niya talagang binabantayan ng mga kawal. Pagkalapit ko ay agad ko siyang inakbayan. Muntik na nga siyang matumba dahil sa gulat. Inis na lumingon siya ngunit nawala rin ang inis nga ng makita ako.

          "Shizuka."

          "Hehehe Hi Noah." Halos kulang nalang ay tumingkayad ako para maakbayan niya. Napansin niya sigurong hindi ko siya abot kaya yumuko nalang siya.

          "Anyare sayo? Parang ansaya mo?" Nagtatakang tanong niya. Nawala bigla ang ngiti ko.

          Ako masaya? Eh? Hindi kaya! Inis nga ko dahil dun sa matandang lalaki eh.

          Hindi ako sumagot at hinila ang braso nya.

          "Halika. May sasabihin ako sayo."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now