Kabanata 75

185 7 1
                                    

Third Person

          Napatitig si Sabrina sa ngayon ay nakahigang si reyna Sakura. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng pinuno. Sa halip na atakehin siya ay mas inuna pa nitong iligtas ang isang lamia. Lamia na walang ginawa kundi pahirapan sila. Pero naisip ni Sabrina na pinuno pa rin ng buong Nirvana si Sakura. Tinitignan man siyang kalaban ng iba ngunit hindi pa rin maiaalis ang katotohanan parte ito ng nasasakupan niya.

          Pero... kahit na sabihing natalo at napuruhan niya ang pinuno, dama niyang hindi pa rin tapos.

          Hindi pa tapos ang laban.

          Mabilis na tumungo si Sabrina kay reyna Sakura. Bumaba siya sa lupa at naglakad palapit sa reyna.

          Alam ni reyna Sakura na papalapit si Sabrina pero nanatili siyang nakahiga. Hindi siya makagalaw dahil sa kakaibang usok na nakapalibot sa kaniya.

          Pagkahinto sa harap ng reyna ay itinaas ni Sabrina ang kamay na agad pinalibutan ng kaniyang kakaibang usok.

          Ibababa na sana siya ang kamay nang maramdaman ang isang bagay na papalapit. Agad siyang lumutang at lumipad palayo. Masyadong mabilis ang papalapit kaya hindi na niya ito makita nang maayos. Muli na sanang titignan ni Sabrina ang pinuno ngunit panibagong mabilis na bagay ang naramdaman niya. Sa pagkakataong ito ay lumipad na siya paitaas.

          Inis na napatingin si Sabrina sa pwesto niya kanina. Napatigil siya nang makita na isang babae ang nakatayo doon at nakatingala sa kaniya. Agad na pinalibutan ng kakaibang usok ang kanang kamao ni Sabrina at walang pagdadalawang isip na sumugod. Habang papalapit ay mas lumakas ang pwersa sa katawan ni Sabrina, mahinang naglabas ng liwanag at dumami ang kakaibang usok. Sa mabilis na galaw ni Sabrina ay binigyan niya ng suntok ang babae.

          Pakiramdam ni Sabrina ay nanigas siya sa kaniyang pwesto habang nakatingin sa kaharap niya na ngayon ay seryoso lamang na nakatingin sa kaniya.... habang hawak hawak ang kamao niya.

          Sinalo ng babae ang kamao niya.

          At tila wala lang sa babae ang atake niya gayon din ang malakas na pwersa na lumalabas sa kaniya.

          Sa mabilis na galaw ng babae ay nakita na lamang ni Sabrina ang sarili na tumalsik paakyat sa langit habang nananakit ang tiyan. Agad siyang yumuko at nanlaki ang mata nang makitang pasugod sa kaniya ang babae. Itinapat niya ang kamay sa babae at mabilis na sumalubong dito ang kaniyang kakaibang usok pero... tila hangin lamang itong dinaanan ng babae. Iiwas na sana si Sabrina pero masyadong mabilis ang pangyayari. Napaubo na lamang siya nang isang malakas na suntok sa tiyan ang natanggap siya.

          Napayuko si Sabrina. Mabilis na umikot ang babae at sinipa ang likod ng dalaga dahilan upang mabilis itong bumagsak sa lupa.

          Hindi maiwasang mapasigaw ni Sabrina nang maramdaman ang sakit ng pagbagsak. Dama niya ang biglang panghihina ng buong katawan. Sobrang lakas ng kaniyang pagbagsak sa tipong nabiyak ang lupa na kaniyang binagsakan.

          Mabilis na pinalibutan ng kakaibang usok ang dalaga at lumutang palayo. Dahil sa bigla niyang paglayo ay hindi niya napansin na may malaking bato sa likuran at doon siya tumama.

          Nahihirapang tumayo si Sabrina habang nakahawak sa kaniyang tiyan. Sunod sunod siyang napaubo at kumurap kurap upang mawala ang panlalabo ng paningin dahil sa pagkahilo. Hirap man ngunit pinilit niyang mag-angat ng tingin... at di kalayuan sa kaniya ay nakatayo ang babae at seryosong nakatingin sa kaniya.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now