Kabanata 87

170 9 0
                                    

Third Person

          "Kumusta?"

          "A-anong ginagawa mo rito?" nauutal na tanong ni Noah. Bakit nandito si Regine? Anong ginagawa niya roon? Kanina pa ba siya? At higit sa lahat, bakit ngayon lang siya?

          Napangiti si Regine. "Bago ko 'yan sagutin. Pwede mo bang ipaliwanag 'yan?" tanong ni Regine at itinuro si Noah. "Bakit ka nakahiga sa mesa?"

          Napakurap kurap si Noah at tinignan ang sarili. "A-ah... ito?" Lumipat ang tingin niya sa mesang kinalalagyan. "A-ano kasi..." Napalingon siya kay Regine. "Bakit ba?! Gusto ko siyang katabi matulog, eh." Nahihiyang napaiwas siya ng tingin.

          Mahinang natawa si Regine. Kita niya pa ang kaunting pamumula ni Noah. Napatigil si Regine at sumeryoso ang ekspresyon ng mukha.

          "Nananaginip ka ba?"

          Nanatiling nakatingin si Noah sa malayo. "O-oo."

          "Hindi ko na tatanungin kung anong napanaginipan mo. Sa itsura mo pa lang, halatang hindi na ito maganda." Umayos ng pagkakatayo si Regine at inilagay ang dalawang kamay sa gilid. "Pasensiya na kung inabot ako ng ganito katagal. Masyadong masakit ang natanggap kong parusa at natagalan ang aking pamamahinga."

          "Hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko. Anong ginagawa mo rito?" Napatigil si Noah at mabilis na nilingon si Regine. "T-teka... may naisip ka ng paraan---"

          "Noah."

          Natahimik si Noah.

          "Nakausap ko na si Gina. Nasabi niya sa inyo ang posibilidad na ang kapangyarihan ni Shizuka ang dahilan ng kaniyang kalagayan ngayon. Nandito ako upang magpaliwanag."

          Bumaba sa mesa si Noah ngunit nanatili ang kaniyang tingin kay Regine.

          "Kilala mo si Jewel, hindi ba? Ang nilalang na naninirahan sa loob ni Shizuka. Nagbabantay sa kaniyang kapangyarihan at nagsisiguro na hindi ito lumabas."

          Hindi niya maiwasang magtaka. At bakit ito sinasabi ni Regine?

          "Pero... hindi mag-isa si Jewel."

          "Huh?"

          "May isa pa."

          Pakiramdam ni Noah ay nanigas siya sa kaniyang pwesto.

          "Isa pang babae."

          Napangiti nang mapait si Regine bago naglakad palapit kay Noah. "Ang trabaho ni Jewel na sinasabing bantayan ang kapangyarihan at siguraduhing hindi ito lumabas ay hindi pagbabantay at pagpigil sa tumpok na kakaibang usok, lila na apoy, kidlat o ano pa man."

          Nanlalaki ang mata na napatulala na lamang si Noah.

          "Tama Noah, ang babae. Ang babae ang binabantayan ni Jewel. Ang babae ang kapangyarihan ni Shizuka." Huminto si Regine sa harap ng binata. "Wala siyang pangalan at sariling kaanyuan. Ginagaya niya lamang ang itsura ni Shizuka. Wala rin siyang sariling buhay at malawak na kaalaman tulad ni Jewel."

          Lumipat ang tingin ni Regine kay Shizuka at nawala ang mapait na ngiti.

          "Siya'y nabubuhay dahil kay Shizuka."

          "B-bakit?" nauutal na tanong ni Noah.

          "Alam kong alam mo na si Shizuka ay kalahating tao at kalahating shin. May dugo man na isang shin, mayroon pa ring dugo ng isang tao. Ang isang tao ay hindi nararapat na magkaroon ng kapangyarihan. Tinanggalan ang kanilang katawan ng kakayahan na magkaroon nito." Bumalik kay Noah ang tingin ni Regine. "Makinig ka sa'kin Noah. Hindi dapat mabuhay si Shizuka. Kasalanan ito hindi lamang sa Nirvana kundi sa buong Meirema. Sa buong kalawakan. Ilang minuto nang siya'y isilang ay nag-agaw buhay na agad si Shizuka. Hindi kaya ng katawan niya. Hindi kaya ng diwa niya. Malakas ang kaniyang kapangyarihan at hindi dapat mapasakamay ng tulad niya."

Nirvana IIOnde histórias criam vida. Descubra agora