Kabanata 49

320 16 0
                                    

Shizuka

          "Shizuka!"

          Mabilis akong tumalon paatras at gulat na napatingin sa isang halimaw na biglang lumitaw sa harap ko. Sinugod niya ko mula sa gilid. Ang hawak kong pana ay nagbago ng anyo at naging espada. Napahigpit ang pagkakahawak ko rito bago mabilis na lumapit sa halimaw at sa isang galaw ko... naghiwalay ang kaniyang ulo at katawan.

          Napalingon ako kay Bella. Nakatayo siya sa likod ko habang pinapana ang lahat ng halimaw na papalapit. Diretso sa leeg o di kaya sa ulo ang kaniyang atake. Tila hindi nauubos ang palaso na nakasabit sa likod niya.

          Napahigpit ang pagkakahawak ko sa aking espada at muling sumugod. Napakadami nila... pero sa pinapakitang tapang at husay ni Bella.. alam kong makakaya namin.

          Lahat ng lumalapit na halimaw ay basta basta ko na lang hinihiwa o sinasaksak. Nakakamangha dahil kakaiba ang tulis ng espada ko..

          "Sa puno!"

          Ambis na lumingon kay Bella ay nalipat ang tingin ko sa isa sa pinakamalaking puno na malapit sa'min. Walang halimaw na nakasabit dito o di kaya'y naninirahan tulad ng sa ibang puno. Marami rin ang dahon nito, sapat upang matakpan kami.

          Maliit lang naman ang mga halimaw na kalaban namin. Kung makakaakyat man sila sa puno, siguradong nakalayo na kami ni Bella.

          Hindi na ko nagdalawang isip pa at ang hawak kong espada ay muling nag-anyong pana. Nagsimula ng maglakad si Bella palapit sa puno habang tinitira ang humaharang sa kaniyang daan. Ako naman ay patalikod kung maglakad habang pinapana ang sino mang lalapit sa'min.

          Hindi ba sila nauubos?!

          Napangiwi ako nang makita ang isang nilalang na tila naninirahan sa putikan. Nakabukas pa ang bibig at tumutulo ang kakaibang laway niya na tila gutom na gutom.

          Kadiri! Eh kung sila sila na lang kaya ang magkainan!

          Nang tuluyang makalapit sa puno ay agad kaming nagpalit ng pwesto ni Bella. Ang hawak kong pana ay nagbago at naging lubid na may kawit sa dulo. Buong tapang ko itong hinagis pataas at ang kawit ay bumaon sa isang makapal na sanga na nasa bandang tuktok. Hinawakan ko nang mahigpit ang lubid habang ang isang kamay ko ay pinangyakap kay Bella.

          Nagpatuloy si Bella na pamamana sa mga halimaw habang papaakyat kami. Hiniling ko kasi na iaakyat kami ng lubid at nangyari nga. Tila umiikli ang lubid habang nakahawak kami sa dulo nito, dahilan upang umangat kami.

          Pagkarating sa makapal na sanga ay agad kaming nagtago sa makakapal nitong dahon at ginamit ang mga nito upang makatawid sa katabing puno. Mabuti na lang at wala ring halimaw sa puno kaya ligtas kami. Basta basta na lang kaming tumalon sa sanga.

          Napalingon ako sa punong unang inakyatan namin. Kitang kita ko kung paano mag-unahan at kung paano hirap ang mga halimaw na umakyat.

          Nagpatuloy kami ni Bella sa paglipat lipat ng puno hanggang tuluyang makalayo. Hinihingal na napaupo ako sa isang makapal na sanga. Bigla namang pumulupot sa wrist ko ang aking purselas na naiwan ko pala dun sa puno.

          Umpisa pa lang pero ang dami na agad na humarang. Totoo ngang mapanganib ang lugar na'to.

          "Ayos ka lang?" tanong ni Bella at tumabi sa'kin.

          Nginitian ko lang siya. Nakalayo man kami sa maraming maliit at panget na halimaw... sigurado akong marami pang nag-aabang o haharang sa'min na mas malaki at mas mapanganib.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now