Kabanata 79

222 9 2
                                    

Third Person

          Hindi nakakilos sa kaniyang pwesto si Shizuka habang nakatingin sa paligid. Maraming nakahintong kotse ang nakaharang sa daan. Ang iba ay walang ng nakasakay, ang iba ay nakatumba, ang iba ay umuusok pa. Makalat din sa paligid at walang makikitang kahit isang tao, tao na buhay. Hindi maiwasang mapatitig ni Honoka sa mga bangkay na nagkalat sa paligid, mapabata o matanda ay kaawa-awang tignan.

          Mula sa kanilang pwesto ay rinig nila ang malakas na sigawan at kaguluhan. Sinundan pa ito ng ilang pagsabog, ungol ng mga halimaw at malakas na tunog ng mga pagbagsak.

          Ilang beses na huminga nang malalim si Shizuka upang pakalmahin ang sarili. Dama niya kasi na unti-unti siyang binabalot muli ng galit.

          "Papasukin ang lahat ng makitang tao sa loob ng mga gusali. Siguraduhing hindi sila makalalabas at walang shin o halimaw ang makakapasok doon," sambit ni Sakura at mahinang naglabas ng liwanag. "Alam kong may mga taong hindi susunod dahil sa pagkalito. Sigurado rin akong iba ang iisipin at magiging akto nila kapag nakita kayo. Kaya pwede niyo silang takutin o gumamit ng pwersa. Ayaw man nila o hindi, papasukin sila sa mga gusali." Lumingon si Sakura kay Shizuka na sa surpresa niya ay nakatingin sa kaniya. "At ikaw, kalma lang, pwede?"

          Mahinang natawa si Honoka pero agad din siyang natahimik nang lingunin siya ni Noah.

          "Tapusin na natin 'to," sambit ni Sakura at mabilis na lumipad palayo. Magsisimula na sanang tumakbo ang Shindae nang lahat sila ay biglang palibutan ng kakaibang usok. Sabay sabay silang napalingon kay Shizuka.

          Napatindig bigla si prinsipe Sheun sa takot na masaktan dahil sa kakaibang usok ngunit nagtaka siya nang walang maramdamang sakit.

          "Sabihin niyo lang ang pangalan ko at lilitaw sa paligid niyo ang usok na 'yan. Isipin niyo lang kung saan niyo nais magtungo at dadalhin kayo ng usok doon. Mas madaling lumaban kung malayang nakalilipad. Walang anuman, Shindae," sambit ni Shizuka bago mabilis na lumutang at lumipad palayo.

          Napangisi na lang si Noah. "Narinig niyo ang reyna. Tapusin na natin 'to," sambit ng binata at mabilis na lumutang. Sumunod sa kaniya ang Shindae.

          Gustuhin mang sundin ni Shizuka ang reyna pero nahihirapan siya. Malakas na hinatak niya ang purselas na agad nagbagong anyo bilang espada. Sa mabilis na galaw ng kaniyang kamay ay napugutan ng ulo ang halimaw na may pakpak na nakaharang sa kaniyang daan. Isang halimaw ang biglang lumitaw sa harap ni Shizuka. Nakanganga ito na tila handa ng kainin ang dalaga. Nagpatuloy sa paglipad ang dalaga at agad pinalibutan ng kakaibang usok. Dire-diretso lang siya at sa pagkakataong makapasok sa bibig ng halimaw ay naglabas siya nang malakas na pwersa. Agad na sumabog ang ulo ng halimaw at mabilis na bumagsak sa lupa si Shizuka. Mabuti na lamang at napalilibutan pa rin siya ng kakaibang usok kaya hindi natalsikan ng dugo.

          Napa-angat ng tingin si Shizuka. Sa harap niya ay maraming nakatayong tao na ngayon ay takot at gulat na nakatingin sa kaniya. Ang iba ay nanginginig pa.

          Walang alam tungkol sa mga shin ang mga tao kaya hindi nakakapagtaka ang ganiyang reaksyon. Idagdag pa ang naglalakihang halimaw na nagkalat sa buong syudad.

          Kaya naman... hindi sila pwedeng madamay sa problema ng Nirvana.

          "Magsipasok kayo sa mga building," sambit ni Shizuka. Walang ni isang tao ang kumilos. "Now!"

          "What the hell is happening?!"

          "What with those giant monster and who are you?!"

Nirvana IIWhere stories live. Discover now