Kabanata 90

185 12 1
                                    

Shizuka

          Pagkatapos na pagkatapos kong sumigaw ay ang sandaling panlalabo ng paningin na agad sinundan ng malakas na pwersang lumabas sa'kin. Sa lakas nito ay pati ako'y napatalsik palayo. Sunod ko na lang na naramdaman ay ang sakit ng pagkakatama sa puno na sinundan ng sakit ng pagbagsak.

          Agad kong hinabol ang aking hininga at nahihirapang napa-angat ng tingin---

          Teka...

          Unti-unting nanlaki ang aking mata at kahit nahihirapan ay pinilit kong tumayo. Hindi ko pinansin ang sunod sunod na sigawan ng mga mamamayang Fudoshin sa paligid at sa pag-ikot ng maraming kawal na tila handa ng sumugod sa kabila ng labis na pagtataka. Hindi ko rin pinansin ang malakas na pagtawag nila Hikari at Honoka na ngayon ay kapwa nakaupo ilang metro malayo sa'kin.

          Pakiramdam ko'y nanigas na ko sa pwesto ko at umurong ang dila ko.

          Anong nangyayari?

          Jewel.

          Magpaliwanag ka.

          "Shizuka!"

          Unti-unti kong naikuyom ang mga kamao ko.

          A-anong... ginagawa mo?

          Bakit? Bakit ka lumabas?

          Napalunok ako at napa-atras nang isang hakbang nang lumingon siya sa'kin. Nakakatakot man ang malakas na pwersang umiikot sa kaniya at ang kapangyarihang bumabalot, hindi ako nakadama ng takot o pangamba man lang nang magtama ang tingin namin.

          Pero...

          "Anong ginagawa mo?" mahinang sambit ko.

          Bakit ka nandito?

          Nagsimula akong maglakad. Nanatili siya sa kaniyang pwesto at nakatingin lamang sa'kin.

          "Bakit?"

          Bakit ka lumabas?

          "Shizuka!"

          Napatigil ako sa paglalakad sakto isang metro malayo sa kaniya.

          Unti-unti ng nawawala ang sakit ng dibdib ko, ng ulo, mata at mga kamay. Unti-unti ng gumagaan ang pakiramdam ko.

          "Hoy babae," pagtawag ko.

          Sabihin mo.

          "Bakit?"

          Bakit ka nandito?

          "Bakit?"

          Alam kong nakakapagsalita ka. Alam kong magagawa mo kong sagutin! Kaya naman... kaya naman...

          "Sumagot ka!"

          Ang malakas kong sigaw ang nagpahinto sa mga shin sa paligid. Ganoon din kay Hikari at Honoka na halatang balak lumapit.

          Nanatili ang tingin ko sa babae, sa kamukha ko, na ngayon ay sumeryoso ang ekpresyon ng mukha.

          Tama, nakakaintindi siya. May isip siya. Nakakapagsalita. May sarili siyang opinyon at mayroon siyang kaalaman at kamalayan.. kaya naman..

          "Sabihin mo... bakit ka lumabas?"

          Ayon kay Noah, na sinabi ni Regine, ay hindi kami maaaring mahiwalay sa isa't isa. Hindi kami maaaring magkalayo kaya naman.. bakit siya lumabas? Bakit hindi na lamang siya nanatili sa dimensyong binuo ni Jewel? Anong binabalak niya? T-teka.. wala naman siguro siyang balak na talunin ako ngayon, na kontrolin ako... huwag dito sa hardin.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon