Kabanata 60

244 5 0
                                    

Third Person

"Akala ko'y hindi totoo ang usap-usapan, nagbalik ka nga!"

Nanatiling nakahiga ang prinsipe at nilingon si Alena na kararating lang. Hindi na masakit ang kaniyang katawan ngunit mas pinili niyang manatiling nakahiga. Masasabi niyang magaling ang manggagamot, lalo pa't hindi ito gumamit ng kapangyarihan at tanging mga halamang gamot lamang ang ginamit upang mapagaling siya. Ngunit kahit ganon ay ramdam niya ang pagkailang ng manggagamot at takot.

Nagbigay galang ang babaeng manggagamot kay Alena bago lumabas. Dumiretso naman ang dalaga sa isang gilid at naupo.

"Nakapagtataka pa ba?" tanong ni Noah. Medyo nakaramdam siya ng inis dahil ilang minuto pa lamang simula ng bumalik siya sa palasyo ay nakaharap niya agad si Alena. Ngunit hindi na rin naman ito nakapagtataka dahil isa sa pinuno ang dalaga, hindi maaaring mahuli ito sa kaganapan sa palasyo.

"Tumakas ka 'no?"

Napabuntong hininga na lamang si Noah dahil sa tanong ni Alena. Sapilitan siyang kinuha ng reyna kanina-kanina lang at ngayo'y nagbalik siya. Wala ng iba pang maaaring dahilan ng kaniyang pagbabalik maliban sa pagtakas.

"Pakialam mo."

Natawa nang mahina si Alena dahil sa natanggap na sagot. Halatang tumakas nga talaga ang prinsipe. Hindi na nakapagtatakang magkasintahan nga sila ni Shizuka dahil parehas sila kung sumagot. Napatigil sa pagtawa si Alena dahil sa kaniyang naisip. Agad siyang tumayo at binalak na lumabas ngunit napatigil ng tawagin siya ng binata.

"Alena."

Agad siyang napalingon.

"Muli niyo bang binura ang kaniyang ala-ala?"

Hindi na kinakailangan pang banggitin ang pangalan dahil iisang nilalang lang naman ang bukambibig ng binata.

Napangisi si Alena "Nakapagtataka pa ba?"

Naikuyom ni Noah ang kaniyang kamao. Kaya pala iba ang pagtrato sa kaniya ni Sabrina kanina na tila iyun ang una nilang pagkikita. Na tila hindi sila nagkita noon sa pasilyo at nagkausap. Kung nagawang burahin muli ang alaala ni Sabrina, maaari nila itong gawin muli. Kung balakin mang kumilos ni Noah upang makuha si Sabrina ay mawawalan lamang ito ng saysay dahil magagawang burahin ito sa isipan ng dalaga. Ibig sabihin ay mahihirapan si Noah na mabawi ulit ang dalaga.

"Kung noon ay lagi kayong tagumpay, at naniniwalang walang permanente sa mundo..." Napakunot ang noo ng binata nang magsalita si Alena. "... ngayon ay nagbago na. Dahil mayroon ng permanente at ito ay ang inyong sa kabiguan. Patuloy kayong mabibigo, at patuloy kaming magtatagumpay."

"May kasiguraduhan ka ba?"

"Ang mayabang ay magyayabang kung may maipagyayabang, hindi ba?"

"Kaya patuloy mong ipamumukha sa'kin?"

"Oo naman."

Umayos ng pagkakaupo si Noah. "Walang permanente? Hindi iyan ang kasabihan ng Nirvana, Alena... kundi walang imposible." Hindi nakasagot si Alena. "Kaya Alena, hangga't kaya mo, magmayabang ka. Dahil hindi natin masasabi kung hanggang kailan ka na lang makapagsasalita."

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon