Kabanata 19

336 15 0
                                    

Shizuka

          H-hindi.. nagbuwis na ko ng isang beses. At muntik ko na talaga 'yung ikamatay. Ito na ang ikalawa kong buhay... hindi.... hindi ko sasayangin ang panibago kong buhay. Hindi na ko muling magbubuwis pa.... ayoko na....Hindi ko na kakayanin.

          Madali pang makuha ang second chance pero hindi ang third chance... k-kung gagawa ako ng kabaliwan sa ikatlong pagkakataon... m-may posibilidad na iyun na talaga ang katapusan ko.

          P-pero... kung iyun nga ang mangyayari sa hinaharap. Bakit? Bakit ko ibubuwis ang buhay ko? Anong dahilan? O kaya naman.... sino ang dahilan?

          Sino ba talaga ako para magawa kong ibuwis ang buhay ko? Sino ba talaga ako para gumawa ng bagay para sa ikakabuti ng iba? Sino ba ko upang harapin ang tunay na kalaban? Sino ba talaga ako para kalabanin nila, kalabanin sila? Sino ba ang mga nilalang na pinanggalingan ko?

          Sino ba ako?

          "Shizuka."

          Desisyun kong hindi alamin ang pagkatao ko.

          "Binibining Shizuka?"

          Hindi! Hindi pwede. Hindi ko babaguhin ang matagal ko ng desisyun. Pero....

          "Shizuka!"

          Napakurap kurap ako at napatingala. Nakatayo sa harap ko ang magkakapatid habang nakaupo naman sa harap ko si Noah. Lahat sila nag-aalala..... dahil sakin.

          "Shizuka. Ayos ka lang ba? Kanina ka pa tulala." saad ni prinsipe Aryan.

          Hindi... hindi ako maayos.

          Tumango tango ako. "Ayos lang ako."

          "Sinungaling."

          Napatingin ako ng Noah ng marinig ko siyang bumulong. Ako lang ang nakarinig dahil wala naman akong nakitang pagbabago sa ekspresyon ng magkakapatid. Nginitian ko siya dahilan para mapasimangot siya. Mabuti at hindi halata na pilit ang ngiti ko.

          "Mabuti. Halika't magpatuloy na." saad ni prinsipe Aryan at nauna ng maglakad, sumunod sa kanya ang dalawang kapatid.

          Tumayo si Noah pagkatapos ay nilahad ang kamay niya, kinuha ko yun at tumayo---errr. "Noah, yung kamay ko." saad ko. Ambis na bitawan ang kamay ko ay niluwagan niya lang ang pagkakahawak at hinila ako pasunod kila prinsesa Keira.

          "Shizuka."

          Magtatanong 'yan oh.

          "Sabihin mo sakin ang totoo. Ayos ka lang ba talaga?"

          Sabi na eh.

          "Ayos nga lang ako."

          Lumingon siya sakin. "Eh bakit nakakuyom ang kamao mo? Bakit nakayuko ka? Bakit nanginginig ka? At bakit maluha-luha ka kanina?"

          Teka....akala ko tulala lang ako kanina. Napabuntong hininga ako bago ikwento kay Noah ang pag-uusap namin ng Sasir.... ngunit hindi ko isinama ang mga hulitang salita na binanggit ng mga orakulo. Mga salita na tungkol sa tadhana ko.

          "Eh? Sasir?"

          Tumango ako.

          "Pero wala naman tayong nakasalubong na Sasir. At isa pa, kung totoo ngang nakausap mo ang ilang Sasir, huwag kang maniwala sa mga sinabi nila. Mapanlinlang ang mga 'yun."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now