Kabanata 24

303 14 0
                                    

Shizuka


          "Sa pagharap mo sa lamia na nagtatago rito sa kaharian ng Menshin. Makakaharap mo ang nilalang na hinding hindi mo inaasahan. Makakaharap mo sila nang hindi mo malalaman. Makikipaglaban ka at matatalo ka. Ngunit sa pagkatalo mo, malalaman mo ang totoo. Matapos nito, babalutin ka ng lungkot at isang nilalang ang magpapasaya sayo. Babalik ang mga nilalang na naniniwala sayoLalakas ang loob mo. Nanaisin mong matapos ang problema niyo. Hanggang sa magpatuloy ang paglalakbay mo at maganap ang digmaan tinutukoy ng pinuno--- hindi... mga pinuno.. napakaraming pinuno."

          "Tulungan mo ang mga Sasir. Tulungan mo ang mga shin."

          "Si binibining Shizuka. Ang pag-asa ng lahat."

          "Si binibining Shizuka. Ang nilalang na kakaiba."

          "Si binibining Shizuka. Ang syang tatapos sa problema."

          "Si binibining Shizuka. Ang magbubuwis ng buhay para sa Nirvana."

          Bakit? Bakit ko biglang naalala ang sinabi ni Lumiro sakin? Bakit ko biglang naalala ang masakit na tadhana ko?

          Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata. T-teka...

          Unti-unting nanlaki ang mata ko. Paanong...

          H-hindi.

          Plain gray ang kulay ng langit at wala akong makitang ulap. Nasa harapan ko ang Paretas na tila takot na takot. Nasa likod ko si Noah na hindi gumagalaw, ganon din ang magkakapatid na Menshin. Nagtatago ang mga Lusma, Plemur ,Glongis, Hanka, Warton na nakahinto rin. Wala ang malaking bato sa gitna ng lawa.

          Paano? Bakit? Bakit tila bumalik ako sa nakaraan? Bakit bumalik ako sa panahong nanganganib kami dahil sa Paretas? Paano ako nakabalik?

          Ang gulat na nararamdaman ko ay mas tumindi.

          H-hindi kaya...

          "Stop!"

          Ang pagsigaw ko ng 'stop' kanina at sa paghinto ng lahat. Hindi kaya.. nagbalik ako sa panahong nakahinto ang lahat. Nagbalik ako upang malaman ang tunay na nangyari.

Nirvana IIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora