Kabanata 81

200 10 0
                                    

Third Person

         Walang maririnig kahit isang bulong sa malawak na arena. Wala kahit isa ang nagbalak na gumawa ng ingay. Halos hindi mabilang ang mga tao na naroroon na ngayon ay hindi makagalaw dahil sa pagtataka at takot. Lahat ay nakatayo at nakatapat lamang sa unahang bahagi ng arena. Lahat sila ay nagkakasiyahan lamang kanina ngunit sa mabilis na pangyayari, ang saya nila ay napalitan ng pangamba.

         Biglang umalingawngaw ang iyak ng isang bata. Sobrang tahimik sa loob kaya naman halos marinig ng lahat ang pag-iyak. Sinubukang patahanin ng nanginginig na ina ang pag-iyak ng kaniyang anak ngunit nahirapan siya. Ang mga tao naman sa paligid nila ay nagsimulang magpanic.

         "Hoy, patahimikin mo nga 'yan," galit na sambit ng isang lalaki sa likod ng mag-ina.

         Mabilis na tinakpan ng ina ang bibig ng anak, maski ang katabi niyang babae ay hinawakan din ang bata. Ngunit hindi ito sapat dahil mas lumakas lamang ang pag-iyak na sinamahan pa ng pagwawala.

         Uupo na sana ang ina upang patahimikin ang anak ngunit napatigil siya, ganun din ang mga nasa paligid niya, nang ang babae sa unahan ay lumingon sa kanila. Napasinghap ang iba samantalang mas lumala ang takot na nararamdaman ng ina.

         "Anong problema?" mahina ngunit nakapagpapataas na balahibong sambit ng babae. "Hindi kaya ay nagugutom na siya?"

         Umiling iling ang ina, alam niyang hindi dahil sa pagkagutom kaya umiiyak ang anak... kundi dahil sa takot.

         Napataas ang kilay ng babae. "Nauuhaw? Naiinitan? Nababanyo?"

         Napalunok ang ina nang magsimulang maglakad ang babae palapit sa kanila. Nagpadagdag pa sa kaniyang takot ang berdeng liwanag na nakapalibot sa babae. Huminto ang babae sa harap ng mag-ina at umupo upang makaharap ang bata. Humina ang pag-iyak ng bata at nagtataka siyang tinignan.

         "Anong problema?" tanong babae at ngumiti nang kaunti. "Bakit ka umiiyak?"

         "Tanga ka ba o sadyang tanga?"

         Mabilis na napatago ang bata sa likod ng kaniyang ina. Nawala ang ngiti sa labi ng babae bago tumayo, lumingon, at tumingala.

         "Malamang umiiyak 'yan dahil natatakot sa'yo," sambit ni Shizuka at naningkit ang mga mata. "Satana."

         Hindi sumagot si Satana at nanatiling nakatingin kay Shizuka na ngayon ay nakatayo sa bandang itaas ng arena, nakayuko, at nakatitig sa kaniya. Walang mababakas na kahit anong kapangyarihan sa dalaga at wala rin siyang hawak na espada.

         "Anong tawag rito? Wala nito sa Nirvana," sambit ni Satana at pinanuod si Shizuka na tumalon pababa. Bumagsak sa harapan niya ang dalaga.

         "Arena," sagot ni Shizuka at sinulyapan ang mga tao sa paligid na nagtatakang nakatingin sa kaniya.

         "Hindi ba't mas magandang kung magkakaroon nito ang Nirvana?"

         Nalipat ang atensyon ng dalaga kay Satana. Wala na ang berdeng liwanag na nilalabas ng katawan ng reyna. Wala rin mababakas na kahit anong kapangyarihan sa kaniya at sa paligid. "Walang kakayahan ang mga shin at kagamitan upang lumikha ng ganito sa Nirvana. Tanging tao lamang ang makabubuo nito," saad ni Shizuka. At hindi niya alam kung bakit nag-uusap lang sila. Parte nanaman ba ito ng plano ni Satana? Na ilipat ang atensyon ni Shizuka sa iba upang hindi mapansin ang iba niya pang plano?

         "Edi magdala ng tao at kagamitan sa Nirvana."

         "Hindi ako sasang-ayon d'yan," mabilis na sambit ni Shizuka. "Ang mga tao ay para sa Earth lamang."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now