Kabanata 17

377 11 1
                                    

Shizuka

          Magulo pa rin para sa amin ang mga salitang binitawan ng hari.

          Digmaan? Oo sigurado kaming magaganap iyun dahil sa pagbabalik ng mga taksil na shin pero... sino o ano ang ibig niyang sabihin na may kasama ang mga shin sa kanilang pagbabalik, kasama nila na mas makapangyarihan kaysa sa kanila?

          Sabi ni Noah... mahigit tatlong taon na malayo ang hari ng Menshin sa kanyang kaharian at pamilya. Ganun din ang iba pang parte ng grupong Naoshin. Sigurado kami na kaya may alam ang hari ng Menshin dahil sa matagal niya o nilang paglalakbay. Tinanong ko si Noah kanina kung kasama ba ang buong Naoshin sa paglalakbay ng reyna ng Fudoshin para alamin at kilalanin ang buong Nirvana... pero hindi niya raw alam. Bawat myembro raw kasi ng grupong Naoshin ay may kanya-kanyang gawain na naka-atas na tanging sila lang ang nakakaalam.

          Matapos magsalita ng hari ay nagpulong agad ang mga Menshin. Kasama sa mga nagpulong ay si Noah... wala na rin naman kasing silbi ang pagtago namin dahil nakita at nakilala na kami ng mga Menshin dahil sa nagawa namin ng umatake ang mga lamia. Ganun din sa kaharian ng Zenshin matapos sumugod ng mga halimaw na Flamatos.


          Pero... Ibang iba ang reaksyon at ginawa ng mga Menshin nang makilala kami kumpara sa mga sinabi ni prinsipe Aryan at Demetri. Hindi nila ako o kami ni Noah pinagkaguluhan.. oo tinitignan nila kami na tila iba kami pero iyun lang, yumuyuko rin sila samin na tanda ng kanilang paggalang.

          Nandito ako ngayon nakaupo sa sahig habang nakasandal sa harang ng istatuwa ni dyosang Suwena. Ayoko sa loob ng mga kubo, mainit at halos lahat ay may ginagawa baka makaistorbo lang ako.

          Tila hindi naman nagtataka ang mga Menshin na makita akong nakaupo sa lupa. Yumuyuko lang sila kapag napapatingin pagkatapos ay tutuloy sa ginagawa nila. Mula rito sa pwesto ko ay kitang kita ang labas ng kweba ---wala na kasi ang talon na naghaharang--- kitang kita ko ang patay na mga puno, malaki man o maliit. Kitang kita ko ang lupa na dinadaluyan ng lawa noon. Nakakalungkot tignan ang kaharian. Tila wala na itong buhay.

          Isinandal ko ang ulo ko sa harang ng istatuwa ni Suwena. Tanging ang ilog at talon lamang ang nanuyo matapos mamamatay ng puno ng Mategen. May tubig na naingbak ang mga Menshin ngunit kulang ito sa dami nila. Umaasa kasi ang lahat sa kanila sa tubig na inilalabas ng makapangyarihang puno. May tubig pa rin ang palibot ng istatuwa at tila umaagos o gumagalaw ito ng kusa.

          Ayoko sana ang istatuwa na 'to dahil naalala ko si prinsipe Makki pero... maganda ang istatuwa, at ang harang ay may mga desenyo. Naiiba ang desenyo nito kumpara sa paligid at sa iba pang istatuwa na may kalayuan.

          "Shizuka!"

          Napalingon ako. Napakunot ang noo ko nang makita si Noah na nakasimangot, nakayuko siya at sobrang lapit ng mukha niya sakin.

          "Di ka nagulat?"

          "May nakakagulat ba?" Mas lalo siyang napasimangot dahil sa sinabi ko. Umupo siya sa tabi ko at sumandal din sa harang. Kung binabalak niya kong gulatin sa pagsigaw niya kanina.. malas niya nalang at hindi gumana sakin ang panggugulat niya.

          Tinaas niya ang kamay niya at umunat. Medyo napausog pa ko dahil muntik ng matamaan ang mukha ko.

          "Dapat na tayong maghanda bukas."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now