Kabanata 80

164 9 0
                                    

Third Person

          Mabilis na itinaas ni Shizuka ang kamay at bigla na lamang nagliyab ng lila ang paparating na halimaw. Agad itong nagwala. Ilang segundo lang ay bigla itong natumba at dumausdos. Isang pwersa ang tumama sa likod ni Fei dahilan upang mapalakad siya paharap. Nagpatuloy sa pagdausdos ang halimaw hanggang sa tuluyan itong tumigil sa tapat mismo ng lugar kung nasaan si Fei kanina.

          Nanlalaki ang mata at nanginginig na napatingin ang dalawa sa isa't isa. Ilang segundo rin silang magkatitigan bago naglakas loob na magsalita si Fei.

          "J-jewel?" nauutal na sambit niya. Nawala na ang takot na mababakas sa mukha niya kanina at tanging pagkalito at gulat na lamang ang makikita. "Is that really you?"

          Ilang beses na huminga nang malalim si Shizuka. Gustong gusto na niyang tumakbo at yakapin ang kaibigan pero.. "H-huwag kang lalapit."

          Hindi na 'yun ganun kadali tulad ng dati.

          "What?"

          Napahakbang patalikod si Shizuka. "Please Fei, d'yan ka lang."

          "Jewel."

          "D'yan ka lang!"

          Unti-unting nanlabo ang mga mata ni Fei. "Bakit?"

          Napatigil sa paghakbang sa Shizuka.

          "Bakit gan'yan ang itsura mo? Bakit may mga halimaw sa paligid? Bakit nagkakagulo?" tanong ni Fei at mabilis na naglakad.

          "Please---"

          "Bakit umalis ka nang walang paalam?!"

          Gulat na napatingin si Shizuka kay Fei na ngayon ay nakatayo sa harap niya. Kita niya kung paano mahirapan ang kaibigan sa pagpipigil ng luha.

          "Tingin mo sapat 'yung sulat, ha? Tapos ngayon ano? Bumalik ka. Lilituhin nanaman kami. Tapos ano? Ano 'to? Anong nangyayari?!" sigaw ni Fei at isang luha ang pumatak sa mga mata dahil hindi na niya napigilan. "Paano mo nagawa 'yung kanina? Bakit andaming monster sa paligid? And what with those creatures who look like vampires and sorcerers? Jewel, sabihin mo sa'kin, anong nangyayari?!"

          Hindi nakasagot si Shizuka. Pakiramdam niya ay biglang umurong ang dila niya.

          "Oh sorry," sambit ni Fei at pinunasan ang mga luha. Galit na tinignan niya ang kaharap. "Ba't pa ba ko magtatanong eh magsisinungaling ka naman ulit. Then kapag naniwala na kami at isipin na naming ayos na ulit lahat at saka ka maglalaho bigla."

          "Fei, makinig ka sa'kin---"

          "I hate you."

          Napatigil si Shizuka.

          "I no longer know you."

          Napasinghot muna si Fei bago tumalikod at nagsimulang maglakad palayo.

          She hates her? Of course, she will.

          Napayuko na lang si Shizuka.

          She hates her... alam na niya 'yun at inaasahan na niya pero bakit ang sakit?

          Naikuyom ni Shizuka ang mga kamao. "May ibang planeta!"

          Napatigil si Fei.

          "Nahulog ako sa bangin sa school ng kuya ko at lumitaw sa ibang planeta na tinatawag na Nirvana. Nakilala ko ang Shindae. Nalaman kong hindi ako anak ng magulang ko at may dugo ako ng mga nilalang ng Nirvana. Nalaman ko na may kapangyarihan ako at marami akong nagagawa."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now