Kabanata 92

137 9 0
                                    

Shizuka

          "Kailangan nating mag-usap."

          Usap?

          "Sakto, may nais din akong tanungin," sambit ko.

          "Sige, sasagutin ko hanggang sa makakaya ko."

          Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kaniya. May mga katanungan ako na gustong itanong sa kaniya kahapon pero masyado kaming nagpadala sa emosyon.

          Ngayon... panibagong katotohanan ang lalabas.

          "Nasaan ka ng lumitaw ako dito?"

          Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha pero hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy.

          "Bakit hindi ka nagpakita? Bakit hindi mo ko hinarap? Maski noong nanganib ang buhay ko sa lason, niligtas mo ko pero hindi ka naman nagpakita."

          Namayani ang katahimikan. Hindi siya nakasagot at gulat pa rin na tinignan ako. Makalipas ng ilang segundo ay napabuntong hininga siya at napaiwas ng tingin.

          "Dahil... iyun ang pinakamagandang paraan."

          Huh?

          "Paraan?"

          "Na maiwasan mo ang tadhana."

          Napakunot ang noo ko.

          Muli siyang tumingin sa'kin pero sa hindi malamang dahilan ay nag-iba ang pakiramdam ko.

          "Shizuka, sa tingin mo kung nagpakita ako sa'yo noon ay magagawa mong mabago ang tadhana?"

          Huh?

          "Hindi. Siguradong hindi."

          T-teka..

          "Dahil kung nagpakita ako sa'yo noon ay paniguradong hindi ko mapipigilan ang sarili na yakapin ka. Mas maguguluhan ka."

          I see.

          "Naiintindihan kita pero.. ang ibig kong sabihin, bakit hindi mo na lamang ipinaliwanag sa'kin lahat? Bakit hinayaan niyo ko, nila Gina at Regine, na kumilos mag-isa?" tanong ko.

          "Sinabi ko na, iyun ang pinakamainam na paraan."

          Hindi ako sumagot at nanatiling nakatingin sa kaniya.

          "Dahil.. kapag sinabi ko ang tungkol sa tadhana mo ay paniguradong maguguluhan ka. Kapag sinabi ko agad sa'yo ang pagiging prinsesa ay mahihirapan ka. Kailangan mong matuto, lumaban, malinawan. At isa pa, siguradong hindi mo magagampanan ang responsibilidad bilang prinsesa kung hindi mo muna iibigin ang Nirvana."

          "At?"

          "At sa tingin mo magagawa mong makalaban si Sara at Devon kung alam mong pinsan mo sila? Magagawa mo bang paslangin si Satana kung alam mong tiya mo siya?"

          Napatigil ako.

          "Hindi."

          H-hindi.. mahihirapan ako.

          "Kung nagpakita ako sa'yo noon at sinabi sa'yo ang totoo, magagawa mo bang mabago ang sariling tadhana?"

          Hindi ko alam.

Nirvana IIKde žijí příběhy. Začni objevovat