Kabanata 43

355 16 0
                                    

Shizuka

          "You're welcome, Shizuka."

          "You're welcome, Shizuka."

          "You're welcome, Shizuka."

         "You're welcome, Shizuka."

          "Arghhh!" Inis na nasabunutan ko ang aking sarili.

          Nagsalita siya ng Ingles! Hindi ako maaring magkamali! Salitang Ingles ang binanggit niya! Salita ng mga tao! Salita sa Earth! A-at isa pa... tinawag niya ko sa pangalan ko! Ang pangalan ko... Hindi naman ako nagpakilala di'ba? Ilang beses ko ng inalala ang pag-uusap namin kanina pero kahit isang beses ay hindi ko sinabi ang pangalan ko.

          T-teka.. maski nga sila Alena ay kilala ako eh. Tama! Hindi na dapat ako magtaka kung bakit kilala niya ko, parte ako ng Shindae! Ilang beses na kong nakisali sa labanan! Kilala ako sa limang kaharian! Kaya natural lang na kilala niya ko... k-kahit... kahit na rito siya sa gubat naninirahan?

          "You're welcome, Shizuka."

         "You're welcome, Shizuka."

          Pero nagsalita talaga siya ng salitang Ingles! Pano nangyari 'yun?! Isa siyang shin di'ba? Sabi niya makapangyarihan din daw siya! At isa pa... isa pa... paano niya ko matutulungan kung hindi siya isang shin.. Kung gayon paano siya nakapagsalita ng wikang Ingles?! Dahil ba sa ilang beses akong nadulas kanina nang nag-uusap kami? Ilang beses akong nakapagsalita ng salitang Ingles nang hindi sinasadya?

          Hindi rin eh! Impossibleng ganun nga. Dalawa o tatlong beses lang akong nadulas! Impossibleng alam na niya agad ang wikang Ingles dahil lang sa iilang salita na nabanggit ko. Ngayon lang din kami nagkita. At isa pa... isa pa... kahit isang beses ay hindi ko nabanggit ang salitang 'You're welcome' sa harap niya.

          Paano?!

          Inis na napa-ayos ako ng upo at napalingon sa likuran. Isang malaking bato lang ang makikita. Malaking bato kung saan nakalagay ang bintana na tinalunan ko kanina. Naglaho ang bintana. Naglaho ang tahanan. Naglaho si Regina.

          Pero bakit? Paano? Totoong shin naman siya di'ba? Hindi naman siya multo eh. Bakit siya naglaho? Paano siya naglaho? Bakit siya nagsalita ng Ingles? Paano siya natutong magsalita ng Ingles?

          "Naguguluhan na ko!" sigaw ko at naikuyom ang aking kamao.

          Ako lang naman ang marunong magsalita ng wikang Ingles dito di'ba?--- Ahmmm si Timi rin pala, tsaka si Jewel---- T-timi... teka si Timi.. isa siyang Visouren, ang tagapag-alaga ng utak at kaluluwa ng diyosa na si Timovina. Lahat ng naging Visouren ay mga tao na lumitaw dito sa Nirvana at lahat ng Visouren ay makapangyarihan---- t-teka..hindi isang Visouren si Regina. Sinabi ni Timi na walang nakakaalam tungkol sa Visouren. Kahit importanteng shin sa palasyo... at isa pa.. bago lumitaw ang panibagong tagapangalaga, patay na ang naunang Visouren. Ibig sabihin.. si Timi lang natitirang Visouren dito sa Nirvana.

          Hindi isang Visouren si Regina.

          T-teka...   "Si Chloe ay aksidenteng nahulog sa bangin ng Timberland. Wala sino mang shin ang nakakaalam tungkol sa kakayahan ng Timberland at sa bangin kaya hindi magawang makabalik ni Chloe rito sa Nirvana. Ganun din ang kasalukuyang asawa ni Chloe na si Jiro. Silang dalawa ay nagtagal ng siyam na taon sa Earth. Si reyna Sakura, ay aksidente ring lumitaw sa Earth."

          Si tiya Chloe at tiyo Jiro! Ang magulang ni Hikari! Nagtagal sila sa Earth kaya impossibleng hindi sila marunong magsalita ng Ingles, ganun din si Reyna Sakura--- t-teka, walang sino mang shin ang maaring makaalam sa buhay ng mga tao. Alam man ng mga shin ang tungkol sa Earth pero walang nakakaalam sa buhay, kultura, tradisyon at wika ng mga tao. Sigurado akong hindi magagawa ng tatlo na ipagkalat at turuan ang ibang shin na magsalita ng wikang Ingles.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon