Kabanata 51

321 11 0
                                    

Shizuka

          Napa-atras ako nang isang hakbang. Hindi ko maiwasang matakot at kabahan. Gamit nila laban sa'kin ang kakayahan nila samantalang ang purselas ko at ang tanging lakas ko lang ang panlaban ko.

          "Fulmen!"

          Stercore! Agad- agad?!

          Iniwasan ko ang kidlat na itinira ng isa at tumama ito sa isang istatuwa. Agad akong bumaba sa hagdan... halos talunin ko na nga ito. Nang makababa ay agad akong tumakbo palayo. Nahagip ng mata ko ang isang pinto kaya naman hindi na ko nagdalawang isip at nagtungo rito. Agad akong pumasok at isinara ang pinto.

          S-sana hindi nila nakita---

          "S-sino ka, iha?"

          Nanlaki ang mata ko at agad na napalingon sa kaliwa at.. isang matanda ang ngayon ay nakahiga sa kama at nakatingin sa'kin. Matandang sorcerer. Halos puti na ang buhok at balbas niya.

          Nalipat ang tingin ko sa isang binatana bago muli akong tumingin sa matanda. Yumuko ako sandali at nginitian siya. "Pasensiya na po sa abala. Makikiraan lang po," saad ko at mabilis na tumakbo palapit sa bintana. Hindi na ko nagdalawang isip at agad akong tumalon palabas. Agad akong tumayo at sumandal sa pader nang marinig ang pagbukas ng pinto sa loob.

          "Wala siya rito!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

          Nakatakas ako--- Agad akong napasinghap habang nakatingin sa isang halimaw na ngayon ay papalapit. Nakalabas nga ko ng palasyo.. andami namang bantay ng halimaw. 'Yung totoo? Malas ba ko ngayon?

          Nilibot ko ang paningin ko at tumigil ito sa isang bintana na may kataasan. Hindi ko magagawang tumakbo at akyatin iyun dahil sa halimaw. Maari kong kalabanin at paslangin ngunit sayang sa oras.. at maaring umangil ang isang 'to at makakuha ng atensyon ng iba pang halimaw.

          Mukha siyang aso na may tatlong mata pero walang buntot. Pilak ang kulay ng balat niya. Mayroon siyang dalawang suway sa magkabilang gilid ng bibig. At kasalukuyang tumutulo ang mahahalatang malagkit niyang laway mula sa nakabukas niyang bibig.

          T-teka... sapat lamang ang taas ng halimaw upang maabot ko ang bintana---

          Napamura ako nang biglang sumugod sa'kin ang halimaw. Agad akong umiwas at nagtungo sa kaliwa. Dahil sa biglaan niyang pagsugod ay bumaon sa pader ang dalawang niyang matulis na suway pero.. alam kong makakaalis at makakaalis siya.

          Hindi na ko nagdalawang isip pa at agad akong tumalon paakyat sa likod ng halimaw. Nang maakyat ay muli akong tumalon ngunit patungo na sa bintana na nakita ko kanina. Mabuti na lang at naabot ng kamay ko. Buong lakas kong inangat ang sarili ko at pumasok sa bintana... ngunit nawalan ako ng balanse. Nagpagulong gulong ako sa loob hanggang sa tumigil ako sa harap ng isang mesa.. kung saan mayroong mga kawali at sandok. Napalingon ako sa bintana na pinasukan ko at nakita roon na nakasilip na ang halimaw.. nakaalis siya mula sa pagkakabaon. Agad kong kinuha ang isang kaliwa at binato sa kaniya... sapul sa ulo. Napa-atras ang halimaw at ginalaw galaw ang ulo niya.. nahilo ata.

          Mabilis akong tumayo--- Arghh! Stercore.. ang sakit ng binti ko. Binti ko ang unang tumama sa sahig ng bumagsak ako mula sa bintana na may kataasan. Tila mahihirapan akong tumakbo nito. Nilibot ko ang paningin ko, nasa loob ako ng bodega dahil napakaraming kahon sa gilid. Mabuti na lang at walang sorcerer dito--- T-teka.. may hagdan taas.

          Masakit man ang binti ay pinilit ko pa ring umakyat pataas. Walang ingay na binuksan ko ang pinto at sumilip--- Nasa pasilyo nanaman ako! Inis na lumabas ako at isinara ang pinto. Lumalayo nga ko sa pasilyo na 'to eh!

Nirvana IIWhere stories live. Discover now