Kabanata 20

335 11 1
                                    

Shizuka

          Nanatili akong nakatingin sa malayo. Ramdam ko na nakatingin si Noah at sigurado akong kanina pa niya gustong magsalita.

          Kanina... hindi ko inaasahan ang nagagawa ko kanina.

          Huminto sila. Silang lahat. Ang Paretas, ang magpapakapatid, si Noah, ang mga halimaw na kasama namin. Lahat sila huminto. Hindi ko alam kung bakit. Ang sakit ng ulo ko ang hiniling ko na huminto... bakit pati sila n-nadamay?

          Ayon kay Noah. Hindi nila alam na huminto ang oras dahil tila pikit mata ay nagbago raw ang lahat. Ang Paretas na pasugod samin ay tila takot na takot na lumayo at bumalik sa ilalim ng lawa. Isang puno na malapit samin ay nakatumba na. Isang malaking bato ang nasa gitna ng lawa na wala naman kanina. Ako... ako na nakatayo ay nakita na lamang nila ng nakaupo sa sahig at nakatulala.

          Hindi ko alam kung ano. Hindi ko alam kung paano. Bakit? Bakit ako nakaupo? Paano ako nakaupo? Bakit ako tulala? Hindi ko alam. Ang tanging alam ko lang ay huminto sila ng sumigaw ako... pagkatapos... w-wala na kong maalala.

          Ayon kila Noah... nang tulala ako.. tila bumubulong ako. Hindi nila maalala kung ano ang binubulong ko. At ako... ako mismo. Hindi ko alam kung ano iyun.

          Pakiramdam ko ay may nangyari ng huminto ang lahat--- hindi, Mali! Sigurado ako, sigurado akong may nangyari kanina..... pero... wala talaga akong maalala.  At isa pa... bakit takot na takot na lumayo ang halimaw? Takot ba siya dahil sa naganap matapos kung sumigaw ng 'stop'? O alam niya ang nangyari ng huminto ang lahat?

          Naguguluhan na ko!

          "Ahmmm S-shizuka."

          "Ano?!"

          Napalingon ako ng makarinig ako ng isang kalabog sa tabi ko. Paglingon ko... nakita kong nakasimangot na nakaupo sa lupa si Noah. Masama ang pagkakatingin sakin.

          Nakaupo kami sa isang malaking bato na may kalayuan sa lawa. Tila bumalik na sa normal ang lahat. Lumabas sa pagkakatago ang mga halimaw at nawala ang takot na muling naglaro sa tabi ng lawa, samantalang ang mga Plemur ay naglaro ulit sa mismong lawa. Bumalik ang mga Glongis.

          Pero ang Menshin na magkakapatid. Nasa gilid ng lawa habang nakaupo sa sahig. Tulala, nag-iisip at nagtataka sa mga nangyari kanina.

          Muli kong binalik ang tingin ko kay Noah na bumabalik na sa pagkakaupo sa tabi ko. Nahulog kasi siya ng sumigaw ako, nagulat ko ata.

          "Pwedeng huwag kang bigla-biglang sumigaw?"

          Sabi na eh. Nagulat siya kanina kaya nahulog.

          Napabuntong hininga ako. Napatingin ako sa malaking bato na nasa gitna ng lawa. Wala 'yan kanina, pero ngayon... tila sinadya ang pagkakapwesto ng bato sa gitna. Nasa taas ng bato ang ilang Plemur na tila tuwang tuwa pa.

          "Hoy! Kanina pa kita kinakausap!"

          Napalingon ako kay Noah. "Ahmm may sinasabi ka ba?" tanong ko.

          Sinamaan niya ko ng tingin at inis na inis sa tumayo. Nakahalukipkip na tumayo siya sa harap ko. Kung hindi lang gwapo at kung hindi ko lang kilala si Noah, mapagkakamalan ko syang bakla sa inaakto niya.

          "Hindi ka dapat umaakto ng ganyan. Ako dapat ang galit sa'yo."

          Napakunot ang noo ko dahil sa kanya. "Huh?"

Nirvana IIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora