Kabanata 93

170 10 0
                                    

Third Person

          Hindi maiwasang mapangiti si Noah nang makita si Shizuka na ngayon ay nakatayo ilang metro malayo sa malaking pinto papasok sa kainan. Walang nakabantay na kawal doon at silang dalawa lang sa malawak na pasilyo. Nakatalikod sa kaniya ang dalaga at nakatayo lang.

          "Shizuka," pagtawag ni Noah. Nagsimula na siyang maglakad nang hindi sumagot ang dalaga. "Psst hoy, Shizuka." Pagkalapit ay mabilis niyang niyakap ang dalaga mula sa likod. "Bakit hindi ka pa pumapasok? Hinihintay mo ko, no? Yiehh--"

          Napatigil si Noah at napalayo nang kaunti nang biglang lumingon ang dalaga. Pakiramdam niya'y nanigas siya sa kaniyang pwesto habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaharap. Sa mga mata nito.

          Alam niyang si Shizuka ang kaharap niya--- Hindi, ang katawan lamang ni Shizuka.

          Napalunok si Noah at napa-atras nang isang hakbang. "S-sabrina.."

          Si Sabrina ang kaharap niya.

          "You can tell?"

          Nanatiling gulat ang mukha ni Noah.

          "Ang ibig kong sabihin... nalaman mo agad."

          Tulad ng unang pagkikita, walang mababakas sa mukha niya. Walang emosyon, ganoon din sa boses. Maski ang mga mata.

          "H-halata naman," sambit ni Noah nang makabawi na sa gulat. Mabilis niyang hinawakan ang balikat ng kaharap. "Hindi ba masakit ang ulo mo? Ang pakiramdam mo? Nakahihinga ka ba nang maayos---"

          "Nagugutom na ko."

          Napatigil si Noah at pinanuod lamang si Sabrina na naglakad palayo, papasok sa kainan.

          "S-sige pumasok tayo.." nauutal niyang sagot bago nakatulalang sumunod.

          Hindi niya maintindihan.

          Wala siyang maintindihan.

          Bakit si Sabrina ang kaharap niya? Anong nangyari kay Shizuka? Anong nangyari sa kaniya? Parang kanina lang ay kasama niya si Shizuka at normal naman ang lahat. Naglaban ba sila? Natalo ba si Shizuka? Pero paano... paano natalo si Shizuka gayong ang kapangyarihan ay sa kaniya?---

          Hindi.

          Tulad ng sabi niya ay normal lamang ang lahat kanina. Wala pang isang oras nang huli silang magkita. Kung maglalaban sila ay paniguradong magtatagal ng oras dahil hindi naman agad sumusuko si Shizuka, hindi siya sumusuko hangga't kayang lumaban.

          Kung gayon.. bakit? Bakit si Sabrina ang may kontrol sa katawan ni Shizuka----

          "May tiwala ka sa'kin, di'ba?"

          Napatitig si Noah sa likod ng kaharap.

          Tiwala.

          Napapikit nang mariin si Noah at napahinga nang malalim.

          Ano nanaman bang pinaplano ni Shizuka?

          Hindi niya man maintindihan pero... kung ito ang desisyun ang Shizuka. Wala siyang dapat gawin kundi magtiwala at tulungan.

          Napangiti na lamang si Noah at sinabayan sa paglalakad si Sabrina. Nilingon niya ang dalaga. Maski paglalakad at paggalaw ng mga kamay ay ibang iba. Si Shizuka kasi ay lakad kung lakad samantalang ang kasama niya naman ngayon ay maingat sa pagkilos.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now