Kabanata 35

386 15 1
                                    

Shizuka

          "H-hi."

          Ilang beses akong huminga ng malalim. Kaya ko pa, kaya ko pa! Kaya ko pang pigilan ang sarili ko na huwag saktan ang tatlong babae sa harapan ko!

          Sa dami ng pinagdaanan ko! Sila lang pala ang sasagot sa mga tanong ko! Halos ilang beses na kong muntik mamatay--- arghhh kalma Shizuka.

          Napapikit ako nang mariin. "Sasabihin niyo na ba ang totoo?"

          "Hindi."

          Napadilat ako at hindi makapaniwalang tinignan sila. "A-ano?"

          Si Gina na puting usok ay nagbago ng anyo. Anyo niya bilang babaeng shin. Si Regine naman ay umiikot ikot habang nagliliwanag, matapos ang ilang segundo ay nawala ang liwanag na lumalabas sa kaniya at... naging kasing laki na namin siya. Samantalang si Jewel, nag-anyong shin pero.... hindi ko kamukha. Isang magandang babae na abot hanggang balikat ang puting buhok. Nakasuot siya ng mahabang puting bestida na may manggas.

          Iyan na marahil ang totoo niyang anyo bilang shin.

          "Hindi naman porque handa ka ng masaktan eh magsasalita na kami," saad ni Gina at sinubukang lumapit sa akin ngunit napatigil niya ng umatras ako.

          H-hindi sila.. magsasalita? "S-sandali nga..."

          "Malapit na Shizuka, malapit mo ng malaman ang totoo. Atsaka ka pa ba hihinto?" tanong naman ni Regine... na sa unang pagkakataon ay nakita kong seryoso.

          Napailing-iling ako at pinigilan ang luhang huwag tumulo. "Hindi ko kayo maintindihan."

          "Ang katotohanan ay tila isang karera. Bago ka makarating sa dulo ay kailangan mong paghirapan. Bago mo makuha ang premyo ay kailangan mong pagsumikapan. Kung may tutulong sa iyo, hindi ba't pandaraya ito?" dagdag naman ni Jewel.

          "Kaunting hakbang na lang ay malalagpasan mo na ang guhit, Shizuka. Kung itutulak ka namin, nararapat pa rin ba sayo ang premyo?" tanong ni Gina.

          "Sa madaling salita, paghirapan mong makamit ang gusto mo. Gamit ang buong lakas at tapang. Hindi gamit ang tulong ng iba," dagdag naman ni Regine.

          "Ang Shindae ay supporters mo lang, Shizuka," nakangiting saad ni Jewel.

          Unti-unti akong napayuko. Pilit iniintindi ang mga sinabi nila.

          Masama na bang tulungan nila ako? Pandaraya na ba ito? T-teka nga--- Sino bang nagsabing karera lang ang lahat ng ito? Na ang paghihirap ko ay isang laro lang? B-bakit... laro lang ba para sa tatlong ito ang mga nangyayari?

          "Suporters? Ano ibig sabihin nun?" rinig kong tanong Regine.

          Laro lang ba ang lahat ng ito? Para ba sa kanila ay isa lang akong manlalaro na gagawin ang lahat para manalo?

          "Maganda ako," rinig kong sagot ni Jewel.

          "Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Gina.

          "Oo naman no! Totoong maganda ako!"

          Isa ba kong manlalaro, sa masakit at mahirap na karerang ito? S-samantalang sila... ang mga manonood ko?

          Ramdam kong lumapit sa akin si Regine. "Shizuka, ano ibig sabihin ng supporters?"

          "Taga-suporta." Hirap man ay pinilit kong sagutin ang tanong niya.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon