Kabanata 46

353 16 0
                                    

Shizuka

          "Pwede bang humingi ng pabor?"

          Pabor?

          "Huwag kang magsalita at hayaan akong magpaliwanag."

          Hindi ako sumagot at nanatiling nakasandal sa pinto habang nakatingin sa kaniya.

          "Shizuka, nabago mo ang tadhana."

          Ano raw? "Huh? Nababaliw ka na ba---"

          "Tulad ng sinasaad ng propesiya." Napatigil ako sa pagsasalita at nagtatakang nakatingin sa kaniya. "Ikaw lang ang makapagbabago sa magaganap sa hinaharap."

          Ano?

          "Maraming salamat."

          Napabuntong hininga ako at tinalikuran siya. Nababaliw na nga siya.

          "Saan ka pupunta?"

          "Lalayo, wala kang kwenta kausap," sagot ko at binuksan ang pinto.

          "Sa araw ng kaarawan mo."

          Napatigil ako. Kaarawan ko?

          Agad akong napalingon sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa'kin at kahit alam na maaaring may makakita sa kaniya, nanatili siya sa kaniyang Smoke version na anyo.

          "Nakatadhanang lumabas ang tunay at buo mong kapangyarihan na siyang sisira sa lahat ng kaharian. Lalabas ito oras na kalabanin mo si Satana."

          Kalabanin? Ano bang sinasabi niya? Hindi ko siya maintindihan.

          "Mawawalan ka ng kontrol at magpapadala sa lakas ng kapangyarihan. At habang nagaganap ito, kokontrolin ni Satana ang utak mo upang sumunod ka sa kaniya."

          Talaga?

          "Sa madaling salita, maglalaho ang lahat ng kaharian dahil sa pagkontrol sa'yo ni Satana, at sa kapangyarihan mo."

          Napakunot ang noo ko.

          "Pero nabago ang tadhana nang hindi mo kinalaban si Satana, nang tumakbo ka palayo, at hinayaang lumubog sa napakalalim na talon sa Timberland."

          Itinaas ko ang kamay ko upang patigilin siya. "T-teka nga... seryoso ka?"

          "Iyun ang tadhana mo, Shizuka."

          Natigilan ako. T-tadhana? Hindi ba ang tadhana ko ay ang magbuwis ng buhay para sa Nirvana?

          "You are not the protector, my dear. You are the destroyer."

          Pakiramdam ko'y nanigas ako sa pwesto ko.

          "But you change it, the moment you choose to protect your friends from yourself than to protect them from your enemy."

          H-hindi... nagbibiro lang si Jewel. Salungat ang mga sinabi niya sa mga Sasir.

          Pag-asa ako ng Nirvana! Hindi ako ang sisira rito!

          "At ngayon, ngayong nabago mo ang tadhana ng Nirvana... hindi na tayo sigurado kung ano ng mangyayari sa Nirvana."

          Naikuyom ko ang kamao ko. "A-ang mga sinabi sa'kin noon ng mga Sasir.."

          "Pinakiusapan ko ang mga tulad nila na sabihin sa'yo ang apat na huling pangungusap. Si binibining Shizuka, ang pag-asa ng lahat, ang nilalang na kakaiba, ang siyang tatapos sa problema, ang magbubuwis ng buhay para sa Nirvana. Pinakiusapan ko sila nang sa gayon ay magkaroon ka ng lakas ng loob upang lumaban at mabago ang lahat."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now