Kabanata 5

396 17 1
                                    

Shizuka

          Hindi ko alam kung isusumpa ko ba si Noah o maaawa ako sa kaniya dahil sa itsura niya kanina.

          Walang hiya! Alam niyang bago lang ako sa palasyo ng Zenshin pero ang lakas ng loob niyang iwan ako. Kaya ito ako... naliligaw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Walang Zenshin ang namumukhaan o kilala ako na sa hindi malamang dahilan ay ikinatutuwa ko naman.

          Ayos narin naman sa maligaw dahil nalilibot ko ang palasyo. Ang problema hindi ko alam kung paano babalik.

          Buong akala ko ay sa bato at kahoy lamang gawa ang ilang kagamitan at ang mismong palasyo. Pero nagkamali ako. Gawa rin sa lupa ang iilan. Mayroon nga kong napasok hindi lang isa kundi maraming silid na bato ang pader at kisame ngunit lupa naman ang sahig. Ang ibang lupa ay matigas at naapakan ko. Ang iba naman ay kulang nalang lumubog ako sa sobrang lambot. Para na nga syang buhangin sa lambot eh. Mabuti nalang napakapit ako sa poste kaya hindi ako lumubog sa lupa.

          Napatigil ako sa paglalakad.... nang mapansin wala na ko sa loob ng palasyo. Nasa harap ako ng palasyo. Halos mapanganga ako dahil sa sobrang lawak nito. Maraming kawal na Zenshin. Ang iba ay nag-eensayo gamit ang lupa ---sabagay lupa nga pala ng kapangyarihan nila--- ang iba naman ay busy sa ibang bagay.

          Tama nga si Noah. Hindi ko maiisip na nasa lugar ako ng mga higanteng shin. Para kasing normal lang ang lahat, ordinaryo.

          Muntik na kong matumba dahil sa gulat ng mayroong mabilis na bagay ang dumaan sa harap ko. Agad na hinanap ng mata ko ang mabilis na bagay na yun.... hindi pala bagay... kundi isang hayop.

          Napangiti ako ng makita ang Hippogriff na sinakyan ko kanina na ngayon ay lumilipad sa harap ko. Kasing laki sya ng isang agila. Tinaas ko ang kamay ko at agad naman na pumatong dun ang Hippogriff. Muntik ko na syiang malaglag dahil sa bigat mabuti nalang at naalalayan sya ng isa ko pang kamay. Dalawang kamay ang kailangan ko para mabuhat ang Hippogriff na ito. Mas lumawak ang ngiti ko ikinuskos niya ang kaniyang tuka sa aking balat.

Teka... sa pagkakatanda ko ay kasing laki ko lang ang Hippogriff.... ibig sabihin... kasing liit ko ang Hippogriff kung nasa normal kong height ako.

          Wow.

          Napakunot ang noo ko ng may mahagip ang mata ko na isang lalaki na tumatakbo. Hindi isang kawal. Hindi isang taga-silbi.... kundi isang prinsipe.

          Prinsipe Liam.

          Nalipat ang tingin ko sa grupo ng mga kawal at taga-silbi sa gilid. Sila ang mga kasama ng prinsesa kanina. Agad kong sinundan si prinsipe Liam na tuloy tuloy na tumatakbo. Wala na kong pakialam ng pigilan ako ng mga kawal. Nilagpasan ko lang ang sila at tuloy tuloy na tumakbo habang nakasunod sakin ang Hippogriff.

          Nakasunod lamang ako sa kaniya. Iba't ibang daan ang pinasok niya hanggang sa makarating kami sa malaking hall kung saan ako iniwan ni Noah kanina. Mabilis siyang umakyat sa hagdan. Umiiwas ang mga Zenshin at yumuyuko bilang pag-galang. Hindi ko na pinansin ang tingin sakin ng iba na halatang nagtataka kung bakit ako sumusunod sa kanilang prinsipe.

          Huminto ang prinsipe sa harap ng isang pinto pagkatapos ay pumasok. Nagdadalawang isip pa ko kung susunod ako pero nakita ko ang Hippogriff na kasama ko na sumunod sa prinsipe. No choice. Walang ingay akong pumasok sa silid. Napatago ako bigla sa isang istatuwa sa gilid. Marami kasing istatuwa rito sa loob pati sa labas at pasilyo. Ordinaryong silid lang to. Tulad ng sa lahat ay gawa sa kahoy, bato at lupa ang mga gamit.

          Nakita ko ang prinsesa na nakatayo sa harap ng pinto. Lumingon lingon muna siya at siniguradong walang makakakita sa kaniya.

          Napakunot ang noo ko ng biglang lumabas mula sa pagkakatago sa isang istatuwa si prinsipe Liam at dahan dahang binuksan ang pintong pinasukan ng prinsesa. Maliit lamang ang pagkakabukas niya pagkatapos ay yumuko siya at sumilip. Mukha niyang mamboboso.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now