Kabanata 94

161 10 0
                                    

Shizuka

          "Shizuka."

          Nilingon ko si Noah. "Hmmm?"

          Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng palasyo pero kanina pa kami palakad lakad. Tingin ko'y nasa bandang gitna at medyo bandang itaas ng palasyo. Hindi ako sigurado, masyado pa rin kasing malawak at malaki 'tong palasyo, marami pa ring parte ang hindi ko napupuntahan. Nasa hardin kami naglilibot kanina bago napagdesisyunang dito naman sa palasyo.

          Naglalakad kami ngayon sa isang malawak at mahabang pasilyo. Hindi ito tulad ng pasilyo na daan patungo sa aming silid, malawak 'ito, malinis, at maliwanag. Puro puti na nahahaluan ng asul ang magagandang desenyo sa pader at mga poste. Maski ang mga simbolo at guhit na nakaukit sa kisame ay ganun din. Walang kahit sinong shin sa paligid kundi kaming dalawa lang.

          Mukhang alam naman ni Noah kung nasaan kami ngayon.

           "Hindi... h-hindi mo ba talaga sasabihin sa'kin kung anong pinaplano mo?"

          Tinitigan ko lang siya nang ilang segundo bago tumingin sa nilalakaran. "Ewan ko."

          Siguro... siguro hindi pa ngayon.

          "Kanina pa tayo naglalakad, hindi ka pa ba napapagod?"

          "Hindi naman."

          Hindi na siya muli nagsalita kaya nanahimik na lang din ako. Ilang minuto rin kaming tahimik na naglalakad bago niya binasag ang katahimikan.

          "Ahmm Shizuka?"

          "Hmmm?"

          "W-wala."

          Nilingon ko siya. Hindi siya nakatingin sa'kin kundi sa harap lang. Seryoso ang ekpresyon ng mukha niya.

          Bigla siyang napatigil sa paglalakad. Napatigil din ako at tumingin sa harap.

          Ohhhh.

          "Kumusta."

          Napatitig ako nang ilang segundo sa nakangiting si haring Shun bago siya nginitian pabalik. Nakatayo sila ilang metro malayo sa'min. Nakataas ang isa niyang kamay at mabagal na kumakaway. Katabi niya ngayon ang tila nagulat na si reyna Sakura.

          Mas sanay akong tawagin silang reyna at hari.. kahit sabihing nagkaayos na kami noong nakaraang araw... mas gusto kong tawagin sila bilang reyna at hari.

          "Kumusta," balik pagbati ko. "Saan po kayo patungo?"

          Silang dalawa lang kasi. Walang kasamang kahit isang kawal o tagapagsilbi.

          "Pabalik na kami sa aming silid, katatapos lang kasi ng aming pagpupulong," sagot ni reyna Sakura.

          Nanatili ako sa pwesto ko at pinanuod lang si haring Shun na biglang lumapit. Medyo nakangiti pa rin siya. "Naglilibot ba kayo?"

          Tumango ako.

          "Hindi pa naman ako pagod, pwede ba sumama?"

          Napatigil ako.

          Huh?

          "S-shun.."

          Napalingon siya kay reyna Sakura. "Bakit?"

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon