Kabanata 78

154 10 3
                                    

Third Person

          Ilang beses na huminga nang malalim si Shizuka upang pigilan ang galit na unti-unting nabubuo sa kaniya ngunit hindi niya mapigilan. Agad na napabitaw si Noah at napa-atras nang biglang palibutan ng kakaibang usok si Shizuka... at wala pang ilang segundo ay wala na sa tabi niya ang dalaga.

          "Mas maganda siguro kung dinamay na niya tayo," saad ni Honoka.

          Magsasalita na rin sana si prinsipe Sheun nang lahat sila ay biglang palibutan ng puting usok. Nakita na lamang nila ang sarili na lumulutang at patungo sa Timberland.

          At mula sa gubat... ay kitang kita ang mga halimaw na may pakpak na nagtutungo roon. Ganoon din ang maraming sorcerer at lamia na lumulutang. Lahat sila ay bumababa sa iisang parte lamang ng Timberland. Ngunit ang nakakapagtaka rito, sa pagkakataong bumaba ang mga taksil at halimaw sa lupa ay biglang naglalaho. May isa pang napakalaking halimaw ang mabilis na lumipad pababa pero wala silang narinig na malakas na pagbagsak.

          Napalingon silang lahat nang makaramdam ng isang malakas na pwersang dumaan sa kanila. Sinundan nila ng tingin si reyna Sakura na nauna ng lumipad palayo.

          Agad na bumaba sa harap ng Timberland si Shizuka ngunit napatigil siya nang makita ang isang babaeng nakatayo di kalayuan. Na tila ba hinihintay siyang dumating.

          "Shizuka," mahinang sambit ng babae.

          "S-satana."

          Nakasuot ng may kahabaang bestida ang pinuno na kulay berde at kapa na kulay itim. Nakatali ng pusod ang mahabang buhok at maaliwalas ang itsura. Pero sa kabila ng hindi maipagkakailang kagandahan, naroon pa rin ang nakatatakot na awra ng pinuno.

          "Anong ginagawa mo?" tanong ni Shizuka at nanatili sa pwesto niya. Sandaling tumingin siya sa kalangitan at tuloy tuloy pa rin ang mga taksil na shin at halimaw na bumababa sa iisang parte ng gubat.

          "Ginagawa ko? Hmmm." Huminto ang reyna at ngumiti. "Hulaan mo."

          Hindi na napigilan ni Shizuka ang sarili at mabilis na itinaas ang kamay. Mula rito ay maraming kakaibang usok ang lumabas at mabilis na nagtungo kay Satana... pero wala lamang itong dumaan sa babae.

          "Oy oy oy."

          Gulat na naibaba ni Shizuka ang kamay.

          "Iyan ba ang igaganti mo sa nilalang na tumulong sa'yo?"

          "Huwag mo ng subukang ibahin ang usapan. Sabihin mo sa'kin kung anong gagawin mo?"

          "Ayoko."

          "Satana!" malakas na sigaw ni Shizuka. Unti-unti na siyang kinakabahan dahil sa isang ideyang pumasok sa isip niya.

          "Hindi magandang sigawan ang babaeng katatapos lamang mabigo, binibini."

          "Kung ikaw lang din ang nabigo, baka lahat ng kaharian pa ang sumigaw... sigaw sa tuwa."

          Natawa nang mahina si Satana. "Shizuka. Tanga ka ba o sadyang tanga? Sinong kalaban ang sasabihin ang plano niya sa kalaban?"

          "Tama ka. At sabagay.. kahit ano pang plano mo at kahit anong gawin mo.. hindi ka mananalo."

          Ngayong bumalik na ang ala-ala niya, nagagamit na muli ang kapangyarihan nang mas malaya, hindi na siya muling magkakamali. Ngayong kaharap na niya ang puno't dulo ng lahat, hindi na siya magpapatalo.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon