Kabanata 33

366 17 1
                                    

Shizuka

          Malakas kong hinatak ang purselas ko at mabilis na tumakbo palapit kay Alexis. Kababakasan man ng takot ay lakas loob niya kong sinalubong. Nagliwanag ang purselas ko at nagbago ang anyo, naging mahabang espada.

          Mabilis na sumugod sa akin si Alexis. Hindi ko alam kung paano pero nasasabayan ko ang bilis niya. Ang bilis niyang paniguradong nagpahamak kay Noah kanina. Aaminin ko, kakaiba ang bilis niya, mas mabilis pa siya kay Krystal at Sara.

          Napahigpit ang pagkakahawak ko sa espada. Mabilis na umikot si Alexis kaya naman tumalon ako paatras. Iniwasiwas ko ang espada ko ngunit nakaiwas siya at umatras. Muli siyang sumugod habang iniikot ang kaniyang espada. Mabilis akong tumalon at sumakto ang kaliwa kong paa sa likod ng blade ng espada niya, muli akong tumalon at habang nasa ere ay itinaas ko ang kanan kong paa at sinipa nang malakas ang mukha ni Alexis.

          Kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ay ang pag-atras ni Alexis. Nabitawan niya ang kaniyang espada at napahawak sa kaniyang mukha.

          Itinapat ko ang kamay ko sa espada ni Alexis at mabilis itong tumalsik palayo. Ang espadang hawak ko naman ay bumalik sa dati nitong anyo bilang purselas at kusa itong umikot sa braso ko.

          Napatingin sakin si Alexis. Nagdudugo ang ilong niya at namumula ang buong mukha niya.

          Sinaktan niya si Noah. S-sinaktan niya--- Napangisi ako. "Iyan na ba ngayon ay basehan ng malakas at makapangyarihan?" tanong ko at dahan-dahang lumapit sa kaniya.

          Naibaba niya ang kaniyang kamao at ikinuyom ito. "H-hindi pa tapos.. S-shizuka."

          Hindi pa? Itinaas ko ang dalawa kong kamay. "Edi tapusin mo na."

          Napasigaw siya nang malakas kasabay ng paglitaw ng kulay kahel na pabilog na liwanag sa paligid niya. Mabilis na tumungo sa akin ang mga ito ngunit bago pa man tuluyang makalapit ng dalawang metro ay sumasabog na agad. Sunod sunod na pagsabog ang naganap. Nasira ang sahig, pader at kisame ngunit hindi naman ito bumagsak. Naglikha ng usok at alikabok ang pagsabog dahilan upang hindi ko makita si Alexis.

          Itinaas ko ang kamay ko at ipinitik ito. Naglaho ang usok at alikabok na nakakalat dahilan upang makita ko ng muli ang paligid.

          Nawala ang ngiti ko nang makitang nakahiga sa sahig si Alexis, maraming sugat at duguan. Maraming nakakakalat na bato at semento sa paligid niya. Tinamaan siya ng pagsabog ng sarili niyang atake.

          Muli akong napangiti at mabilis na lumapit sa kaniya. Malakas at makapangyarihan? Sinungaling! Walang malakas ang mapapatumba ng sariling kapangyarihan!

          Huminto ako sa harap ni Alexis. Duguan siya at hirap na hirap na gumalaw. Napatingin siya sakin. Nakakaawang tignan ang kalagayan niya... pero hinding-hindi ako maawa sa kaniya. Walang maawa sa lahat ng ginawa niya!

          Sinaktan niya si Noah. Pinahirapan niya si Noah. Pwes, gantihan lang 'yan. Nangako ako na hindi ko siya papaslangin pero.. hindi naman siya mamatay kung papahirapan ko siya ng kaunti, hindi ba?

          Itinaas ko ang kamay ko--

          'Shizuka.'

          Napatigil ako. J-jewel...

          'Control.'

          Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Alexis. C-control?

          Ikinuyom ko ang nakataas kong kamay. I can't! Sinaktan niya si Noah!---

          "S-shizuka..."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now