Kabanata 58

340 14 6
                                    

Third Person

          "S-sino ka?"

          "Shizuka!"

          Agad na napa-atras ng ilang hakbang si Sabrina nang mabilis na tumakbo palapit sa kaniya ang lalaki. Ang pagtataka ni Sabrina kanina ay mas lumala nang salubungin siya nito ng isang mahigpit na yakap.

          Sinubukang itulak ni Sabrina ang lalaki palayo ngunit mas humigpit pa lalo ang pagkakayakap sa kaniya. "T-teka ginoo. B-bitawan mo ko." Muling sinubukang makawala ni Sabrina ngunit sadyang malakas ang lalaki. "S-sandali kuya... hindi kita kilala. Lumayo ka." Ngunit nanatili itong nakayakap sa kaniya, ang malala pa nito ay ipinatong pa ng lalaki ang kaniyang ulo sa balikat ni Sabrina. Napakuyom ng kamao ang dalaga at sa hindi malamang dahilan ay nakaramdaman siya ng inis. "Ano ba?! Sinabi ng bitawan mo ko!" sigaw niya kasabay ng malakas na pag-apak sa paa ng lalaki dahilan upang mabitawan siya. Malakas niyang itulak ang binata at agad na lumayo.

          "Mahal---"

          "H-huwag kang lalapit," nauutal na saad ni Sabrina habang nakataas ang dalawang kamay.

          Sino ang lalaking kaharap niya? At bakit wagas siya nito kung yakapin? Ganito ba sa lugar na kinaroroonan niya, basta basta na lamang lalapit ang nilalang sa hindi kilala? At higit sa lahat, babae si Sabrina, hindi ba't mali na basta basta na lamang siyang yayakapin ng isang lalaking hindi niya kilala at ngayon niya pa lamang nakita?

          "Shizuka?" pagtawag ng binata at sinubukang lumapit ngunit napahinto rin dahil sa pag-atras ni Sabrina.

          "Sinabi ng huwag kang lalapit!" sigaw ng dalaga at umatras ng isang hakbang. "Diyan ka lang, diyan ka lang!" dagdag niya nang mapansing may planong humakbang palapit ang kaharap.

          Hindi niya alam kung bakit ngunit hindi niya mapigilang sumigaw. Bukod sa walang respeto ang ginawa ng lalaki kanina, may iba siyang nararamdaman na hindi niya maipaliwanag.

          "Sino ka?" tanong ni Sabrina. Plano niyang dagdagan ang tanong ngunit napatigil siya nang mapansin ang kakaibang reaksyon ng kaharap. Gulat na gulat ito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

          "Mahal naman, h-hindi magandang biro 'yan," nauutal na saad ng lalaki.

          Napakunot ang noo ni Sabrina.  "Mahal? Pasensya na kuya pero, nagkamali ka ata." Napalunok si Sabrina at agad na umiwas ng tingin. "H-hindi kita kilala. Seryoso ako."

          Hindi niya alam kung bakit ngunit hindi niya magawang matitigan ang kaharap na ngayon ay tila nanigas na sa kaniyang pwesto.

          "Hindi magandang biro 'yan, Shizuka."

          Napabuntong hininga si Sabrina. "Hindi ako nagbibiro, ginoo. Hindi kita kilala," sagot niya at buong lakas na hinarap ang lalaki. Natigilan siya nang makita ang pagguhit ng isang ngiti sa labi ng kaharap, isang pilit na ngiti.

          "Ako ito, mahal ko. Pakiusap, tandaan mo ko."

          Hindi na napigilan ni Sabrina ang sarili at napatitig sa mga mata ng lalaki. "Patawad ginoo. Pero wala akong kinikilala na mahal at higit sa lahat... hindi Shizuka ang pangalan ko."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now