Kabanata 4

427 19 2
                                    

Shizuka

          Hindi ko alam kung paano nakayanan ng tuhod ko na makasakay sa isang Hippogriff. Mabait sya, tulad ng una naming pagkikita.

          Patungo na kami ngayon sa kaharian ng Zenshin. Bago kasi kami tuluyang umalis ay inaral muna ni Noah ang mapa. Base sa laki ng lugar na nakalagay sa mapa. Iyun daw ang ay kaharian ng Zenshin. At isa pa ay ang logo na nakalagay sa itaas. Logo ng mga Zenshin.

          Hindi ko alam kung matutuwa ba ko o malulungkot dahil makakapunta kami sa isang kaharian ng mga higante. Hindi pa ko handa. Halos buhatin na ko ni Noah para lang makasakay sa Hippogriff dahil parang gusto ko ng tumakbo at magtago para hindi makaharap ang mga higante na shin.

          Hindi naman mahirap sumakay sa isang Hippogriff. Para ka lang nangangabayo.

          Wala kaming kasama na kahit sinong kawal. Tanging kaming dalawa lang ni Noah. Siya ang nauuna at sumusunod naman ako. Diretso lang ang tingin ko tulad ng utos niya.

          Kasi naman.... nakakatakot ilibot ang tingin ngayong naririto kami sa himpapawid at kung malaglag man kami ay hindi namin alam kung gaano kalalim ang babagsakan namin dahil tanging ulap lang ang nakikita namin sa ibaba. Wala akong fear of heights pero pakiramdam ko ay nanginginig ang mga tuhod ko. Kulang na nga lang ay yumakap ako sa Hippogriff para hindi malaglag.

          Sabi ni Noah bago kami umalis. Tanging prinsipe lang ang sinabihan niyang tutungo kami roon. Ibig sabihin... tila surprise visitor kami sa kaharian ng Zenshin kahit na mayroong isang nakakaalam na pupunta kami.

          Tinanong ko siya kung anong kwento at kasinungalingan ang sinabi niya sa prinsipe ng mga Zenshin pero... sinabi niya ang totoo sa pamamagitan ng pagdadala ng sulat. Matalik na kaibigan niya ang prinsipe ng Zenshin. Mapagkakatiwalaan daw ito.

          Kumbaga bukod sa Shindae.. ang prinsipe ng Zenshin ang bestfriend niya.

          Naku-curious tuloy ako kung anong itsura ng prinsipe ng Zenshin. Syempre... paniguradong malaki siya. Sinabi rin ni Noah na may kapatid na babae ang prinsipe at siguradong makakasundo ko raw.

          Nagtataka rin ako kung bakit sa Zenshin ang unang itinuturo ng mapa. Isa bang Zenshin ang unang nilalang na makakatulong samin?

          Halos kainin na ko ng kaba dahil sa gagawin naming paglalakbay. Pero itong si Noah... chill na chill lang. Kinakausap pa nga niya ang sinasakyan niyang Hippogriff eh. Hindi ko marinig ang sinasabi niya dahil nauuna siya kaysa sakin.

          "Shizuka!"

          Napatingin ako sa kaniya. Kulang nalang ay isigaw niya ang pangalan ko.

          Hindi ako sumagot bagkus ay nalipat ang tingin ko sa harap.

          Mula dito sa himpapawid ay kitang kita ang sobrang laking palasyo ng Zenshin. Kahit na tumingala ako ay hindi ko makita ang tuktok nito. Doble ang laki ng palasyo ng Zenshin kaysa sa palasyo ng Fudoshin. Kahit na may kalayuan pa kami ay kitang kita na ang kagandahan nito. Kita rin ang naglalaking mga bintana at balkonahe ng mga silid. Halos mapanganga nako sa ganda at laki ng palasyo.

          Tumigil sa ere ang Hippogriff na sinasakyan ko na tila tinitignan din ang malaking palasyo. Ilang minuto kami sa pwesto naman habang tinutunaw ng tingin ang magandang palasyo.

          Agad kong hinanap si Noah ng marinig ko siyang sumigaw. Agad kaming sumunod kay Noah ng mapansing may kalayuan na siya. Dumiretso sila ng kanyang sinasakayan na Hippogriff sa isang patag na side ng palasyo. Para... ahmm landing area? Ewan ko, may bilog kasi sa gitna tapos malaki rin yung space.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now