Kabanata 42

310 17 2
                                    

Shizuka

          Unti-unti akong napa-atras.

          L-lila...

          Sa araw ng kaarawan ko, sa araw ng pagtatapos ng dalawang buwang palugit... ngayon pa ba ako mawawalan ng kontrol sa sarili? Ngayong walang malay ang Shindae, ngayong naririto ang aking kalaban. Ngayon pa ba lalabas ang tunay at buo kong kapangyarihan

          Wala sa sariling napatingin ako kay Satana. Wala na ang ngiti niya at seryoso lang siyang nakatingin sa'kin.

          Natalo ang Shindae. Walang malay ang Shindae. Mag-isa na lang ako. Laban kay Satana, laban sa sarili ko.

          Hindi ko kaya. Hindi ko kaya.

          Naglabas ako ng kulay lila na liwanag. Nakita ko ang aking dugo.

          H-hindi.... Hindi!

          Napasigaw ako nang malakas ng maramdaman muli ang nakakapanghinang pwersa sa aking katawan. Sobrang lakas. Napakalakas. Pilit lumalabas.

          "Ahhhhhh!"

          Hindi... Hindi ako pwedeng matalo ng kapangyarihan ko!

          A-ang sakit...nanghihina na ko, sobrang sakit ng katawan ko. H-hindi ko kaya....

          "Ahhhhh!"

          Ayoko na!

          Napaupo ako at napahawak ng mahigpit sa dalawa kong ulo.

          Ang sakit! Ang sakit! Tulong! T-tulong... please...

          Sobrang sakit ng katawan ko. Sobrang hapdi ng balat ko--- t-teka... umuusok ako? Hindi ako naglalabas ng puting usok na siyang kapangyarihan ko pero... b-bakit?

          Unti unti akong napatingin sa dalawa kong kamay.

          Hindi ako naglalabas o gumagamit ng ano mang kapangyarihan ko pero... pero bakit nagliliyab ako... at bakit... kulay lila ang apoy?

          J-jewel...

          'I-i'm sorry. Ahhhhhh'

          Jewel!

          "Ahhhhh!"

          Muli akong napasigaw.

          Ayoko na!

          Jewel, Timi, Chao, Horsie, Hanako, Ate Zoey, Gina, Regine, Maizuka, Itsukai, Gaiji, Shinizu, Naoshin... Shindae... Noah.... t-tulong...

          'B-byebye... Shizuka.'

          Nanghihinang naibaba ko ang kamay ko. Hindi ko na halos maramdaman ang katawan ko. Namamanhid na ko. Nanatili akong nakaluhod sa lupa at pinagmasdan lang ang mga paa ni Satana na naglalakad papalayo.

          Nag-angat ako ng tingin. Naglalakad siya palapit kay Noah.

          Noah.. sorry... I can't fight anymore... pero.. hindi ko man kayo magawang protektahan mula sa kapangyarihan ni Satana, poprotektahan ko naman kayo mula sa kapangyarihan ko.

          Naikuyom ang aking kamao. Nanghihina man ay pinilit kong makatayo. Kita kong napatigil si Satana at napalingon sa'kin. Masyado ng mahina ang katawan ko pero... susubukan ko... susubukan kong lumayo.

Nirvana IIUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum