Kabanata 48

372 19 0
                                    

Shizuka

          "Pero kapag nakikipaglaban, siguraduhin mong nasa kalaban ang buong atensyon mo."

          Prinsipe Sheun...

          "Gusto. Pero nais kong siya ang kumilos para magkaharap kami."

          Daisuke..

          "Shizuka, pagkatapos nito... gusto kong paglutuan mo kami ng pagkain. 'Yung kasing sarap ng huli mong luto sa mundo niyo."

          Hikari...

          "Alam kong mahirap tanggapin ang mga nangyari, Shizuka. Pero nandito lang kami para sa'yo."

          Honoka...

          "Halika Shizuka. Sasama ka ba? Tuklasin natin ang sekreto ng Nirvana."

          "Hindi ko kakayaning mawala ka sakin, Shizuka."

          "Kaya wala kang dapat ipag-alala, Shizuka. Kasama mo ko. Poprotektahan kita."

          "Hindi ko gustong masaktan ka kasi mahal kita. Nais kong protektahan ka dahil mahal kita. Gagawin ko lahat para sayo kasi mahal kita. Mahal kita kaya tuwang tuwa ako sa tuwing ngumingiti ka. Mahal kita kaya natutuwa ako sa tuwing ipinagtatanggol mo ko. Mahal kita kaya napakasaya ko sa tuwing inililigtas mo ko."

          "Mahal na mahal kita, Shizuka."

          Unti-unti akong napadilat.

          N-noah...

          Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko at ang bilis ng paghinga ko na tila pinagkaitan ako ng hangin sa loob ng ilang araw.

          S-shindae...

          Sa una'y malabo pa ang paningin  ko ngunit matapos ang ilang segundo ay luminaw na. Tanging ang madilim na ulap lamang ang nakikita ko. Tanging ulap.

          "Gising ka na?"

          Dahan-dahan akong napalingon sa gilid at.. isang babae ang bumungad sa'kin. Ang katawan niya ay pang-shin. Kakaiba ang kinis ng balat niya at ang puti niya. Mahaba ang nakapony-tail niyang blonde na buhok na lagpas na sa kaniyang baywang. May kalakihan ng kaunti ang mga mata niya. May tila maliliit na dyamante na nakahilera sa gilid nito. Maganda ang hugis ng katawan niya at pang-babaeng babae. May suot siyang kulay berde na tela na may kakaibang simbolo na siyang tumatakip lamang sa pribadong parte ng katawan niya. At ang tainga niya... mahaba.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now