Kabanata 59

537 20 26
                                    

Third Person

          "A-ano?"

          "T-teka..."

          "Hindi ito ang tamang panahon para magbiro, Noah."

          Nanginginig na napayuko si Noah. "H-hindi ako nagbibiro..."

          Natigilan ang lahat at nanatili ang gulat sa mukha. Nakatingin sila sa prinsipe na tila ba nababaliw na ang lalaki.

          Magagawa ng mga taksil na burahin ang alaala ni Shizuka? Hindi ba't nakapalakas ni Shizuka at hindi siya magawang talunin ng mga kalaban, kung gayong, kung totoo man ang sinasabi ni Noah, paano? Paano iyun nagawa ng mga taksil?

          "Nakatakas ako sa pagkakakulong at isang buong araw na paikot-ikot sa buong palasyo upang hanapin siya pero... nang makita ko siya.. h-hindi niya ko kilala," saad ni Noah at nanatiling nakayuko. Naipikit niya nang mariin ang mga mata at inalala ang pagtatagpo nila sa pasilyo. Matapos ang ilang segundo ay nag-angat siya ng ulo at tinignan ang mga kaibigan. "Alam kong si Shizuka 'yun, ramdam kong siya si Shizuka. Ang tono ng kaniyang pananalita, ang paraan ng kaniyang pagsasalita, ang kaniyang ekspresyon. Siguro akong siya si Shizuka... p-pero... hindi raw Shizuka ang pangalan niya."

          Hindi sumagot ang kaniyang mga kasama at nanatiling nakatingin sa prinsipe, na tila pa nanigas ang kanilang katawan dahil sa gulat.

          "S-sabrina... Sabrina raw ang kaniyang pangalan."

          Napakurap-kurap si Hikari na siyang unang nabawi sa pagkagulat. "B-baka nagkakamali ka lang? Baka isang mapagpanggap ang nakaharap mo?"

          Napangiti nang pilit si Noah at umiling iling. "Kilala ko si Shizuka. Kabisado ko ang boses at paraan ng kaniyang pananalita. Kabisado ko kung paano siya ngumiti at tumawa. H-hindi ako pwedeng magkamali, s-siya 'yun. Mula ulo hanggang paa, pati ang pag-uugali," sagot niya at nawala ang pilit na ngiti. "At isa pa, si Shizuka lang naman ang nakapagbibigay sa'kin ng kakaiba at hindi maipaliwanag na pakiramdam."

          Tanging si Shizuka lamang.

          "Umamin si Alena na sila ang may kagagawan ng pagkabura ng alaala ni Shizuka." Mabilis na pinunasan ni Noah ang mga luha at humakbang palapit sa mga kasama. "Kaya naman ngayon pa lang, ibalik niyo na ko sa palasyo ng mga sorcerer. Hindi ko pa muling nakikita si Shizuka at hindi ako sigurado sa kalagayan niya."

          Pakiramdam niya't bawat segundong magdadaan ay manganganib ang dalaga.

          "Hindi natin alam kung anong maaring gawin ng mga taksil kay Shizuka lalo na't wala siyang maalala. Paano kung baguhin ng mga sorcerer ang lahat sa paningin at pananaw ni Shizuka? Paano kung ang ilagay nila sa isipan ni Shizuka ang salungat sa katotohanan?"

          Iniisip pa lang ito ng prinsipe ay hindi na agad siya mapakali. Tila hindi niya kakayanin oras na mangyari ang iyun. Paano kung maging masama siya sa paningin ni Shizuka? Paano kung isang araw, sumpain na lamang siya ng dalaga?

          "At isa pa... alam niyo kung anong kayang gawin ni Shizuka. Sila ang kasama niya kaya paniguradong sa kanila siya maniniwala. Paano kung lasunin nila ang isipan ni Shizuka? Paano kung---"

          "Tama na."

          Napatigil sa pagsasalita ang prinsipe dahil sa reyna.

          T-tama na? B-bakit?

          "M-mahal na reyna... kailangan ako ni Shizuka," saad ni Noah at muling nanlabo ang kaniyang paningin dahil sa luha. Kakaiba nga siguro ang tama niya sa dalaga. Sa kauna-unahang pagkakataon, nawalan siya ng pakialam sa kaniyang imahe at paglalabas ng damdamin sa iba. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagawa niyang umiyak sa harap ng mga kaibigan. "Ako lang ang nakapipigil sa kaniya. Oo at makalilimot ang utak... pero hindi ang puso. Sigurado akong may parte pa rin kay Shizuka na hindi nila nabura. Higit sa lahat, siya pa rin si Shizuka, kahit sabihin na wala siyang maaalala, siya pa rin si Shizuka. Kailangan lamang niya ng tulong upang makaalala. At isa pa, maayos naman ang pagtrato sa'kin sa palasyo kaya---"

Nirvana IIWhere stories live. Discover now