Kabanata 68

301 10 3
                                    

Sabrina

          Satana?

          "Tutulong ka ba?"

          Napakurap kurap ako nang bigla siyang magsalita. Hindi ko napansin na napatitig pala ako sa kaniya.

          Teka, tutulong ba ko? Na bawiin si Devon? Pero...

          "W-wala akong maitutulong."

          "Huh?" tanong niya. Nanatiling walang ekspresyon ang kaniyang mukha at emosyon ang kaniyang mga mata.

          "Wala akong kapangyarihan. Tanging ang purselas ko lamang ang aking magagamit na panlaban," sagot ko.

          "Walang kapangyarihan? Ahahahaha."

          Muli akong kinabahan nang marinig siyang tumawa. Masarap sa tainga ang kaniyang tawa pero... hindi ko alam. Natatakot ako sa kaniya.

          Tumatawa siya pero sumasalungat ang kaniyang mga mata. Wala pa ring emosyon. "Pasensiya na. Binibini, lahat ng shin ay may kapangyarihan. Hindi maaring wala. Hindi mo lang alam."

          Hindi ko lang alam.

          Muli siyang ngumiti. "Gusto mo bang tulungan kita? Na alamin ang kapangyarihan mo?"

          Pakiramdam ko'y nanigas ako bigla sa pwesto ko.

          Huh?

          "Ang sabi sa'kin ay wala ka raw maalala sa iyong nakaraan. Kaya siguro hindi mo alam kung ano ang iyong magagawa. Hayaan mong tumulong ako, ilabas natin ang kapangyarihan mo."

          Tulungan... ako?

          Teka...

          "B-bakit mo naman ako tutulungan?"

          At bakit sa lahat ng tutulong sa'kin, isang reyna pa?

          "Hmmm, dahil mukhang nangangailangan ka."

          Bakit ang tulad niya pa?

          "Libre na ang inaalok kong tulong, tatanggi ka pa ba?"

          Napaiwas ako ng tingin. Hindi siya magiging reyna kung hindi siya malakas at makapangyarihan. Nakakaakit ang alok niya pero... "M-maraming salamat pero hindi na kailangan. Nais kong ako ang makaalam sa sariling kakayahan."

          Hindi pa rin maaalis ang katotohanang ngayon ko pa lang siya nakilala. Idagdag pa ang nararamdaman kong kaba dahil sa kaniya. Hindi ako basta basta magtitiwala. Lalo na sa kaniya, na pinuno ng mga lamia at sorcerer.

          "Ganun ba? Sige, pero kung kailangan mo ng tulong ay malalapitan mo ako."

          "S-salamat."

          Napahinga ako bigla nang malalim. Sabi ni Jamie ay maari kong malaman ang kakayahan ko sa tulong ng iba. Sa tulong ng mga nakakilala sa'kin. Teka, nag-alok siya? Ibig sabihin ba ay kilala niya ko?

          "Binibini, tungkol kay Devon, sigurado ka bang hindi ka tutulong na mabawi siya?"

          Napatingin ako bigla sa kaniya. Si Devon? Napailing-iling ako. Babawiin sa Devon. Ibig sabihin ay tutungo sa palasyo ng mga Fudoshin, h-hindi ko ata kaya.

          "Sige, kung hindi mo nais ay hindi na kita pipilitin," sambit niya pagkatapos ay tumayo at hinarap sila Alena na nakaluhod pa rin. "Maghanda kayo, sa paglubog ng araw ay magtutungo tayo sa palasyo ng Fudoshin. Babawiin natin ang kinuha nila. Babawiin natin si Devon."

Nirvana IIDove le storie prendono vita. Scoprilo ora