Epilogo

238 16 2
                                    

Shizuka

          "Ang lakas kaya ng pagkakabato mo."

          "Oh tapos?"

          "Masakit!"

          "Pakialam ko."

          "Napakasama talaga ng ugali nito. Sa halip na humingi ng tawad, ang sungit pa."

          "Kasalanan ko bang hindi ka umilag?"

          "Hindi ko nakita!"

          "Sige sumigaw ka pa, susuksukan ko ng sangang may tinik 'yang bunganga mo."

          Napabuntong hininga na lang ako. Umagang umaga nagtatalo agad si prinsipe Sheun at Honoka. Nandito kami ngayon sa silid ng Shindae.. kompleto kami. Kasalukuyang may ginagawa sa gilid ni Noah at Daisuke na mukhang irita na rin sa ingay ng dalawa.

          "Pwede ba kahit ngayon lang manahimik muna kayo?!" sigaw ni Noah.

          Kakasabi ko lang, eh.

          "Si Honoka sisihin mo, ayaw humingi ng tawad sa'kin," sagot ni prinsipe Sheun.

          "Hinding hindi ako hihingi ng tawad."

          Napasandal na lang sa upuan at tumingala. Wala nanaman akong ginagawa. Sa totoo lang ay marami talaga dapat akong gawin pero tinatamad ako kaya pinasa ko lahat kay Noah. Wala rin naman akong maintindihan sa iba doon.

          "Astig!" Napalingon ako kay Hikari na nakaupo sa tabi ko. Wala rin siyang ginagawa, pinasa niya kay Daisuke. Tinamad daw siya, eh. "Kulay lila na talaga ang kulay ng buhok mo," dagdag niya bago hinawakan ang buhok ko at tinitigan.

          Kulay lila pa rin ang kulay ng buhok, mula anit.

          "Inyo rin naman ah," sagot ko.

          Binitawan ni Hikari ang buhok ko at hinawakan ang kaniya. "Dulo lang."

          "Gusto ko rin ng gan'yan." Nalipat ang tingin ko kay Honoka na biglang lumapit. "Lahat ng buhok ko kulay berde."

          "Ako rin, kulay asul."

          "Sa'kin, puti."

          Napalingon kami kay Daisuke.

          "Mukha kang matanda," ani Hikari.

          "Hindi kaya."

          May puti naman na ang ilang hibla ng buhok ni Daisuke pero tingin ko bagay sa kaniya kapag naging puti na lahat. Maputi rin kasi siya.

          Tinitigan ko ang buhok ko. "Mas gusto ko kapag itim."

          Natural lang.

          "Eh? Bagay din kaya sa'yo ang lila," rinig kong sabi ni prinsipe Sheun.

          Hindi ko siya pinansin. Nagliwanag nang tatlong segundo ang buhok ko.

          "Shizuka!"

          "Oh?" walang emosyong tanong ko. Lakas ng sigaw ni Honoka.

          "Ibalik mo sa lila! Ibalik mo sa lila 'yang buhok mo!"

          "Eh?!" Napa-ayos ng upo at nilingon siya.  "Mas gusto ko kapag orihinal na kulay."

Nirvana IIWhere stories live. Discover now