iKabanata 10

445 16 2
                                    

Shizuka

Ang Nirvana ay kinilala ko bilang tahanan ng mabubuti at makapangyarihang shin. Ngunit nagkamali ako. Hindi ko pa pala ganoong nakikilala at natutuklasan ang tunay na mundo ng Nirvana.

Buong akala ko ay tanging mabubuti lamang ang namumuhay, ngunit mayroon palang nagtatagong kasamaan. Buong akala ko ay tanging normal lamang ang naninirahan sa mundo na 'to, ngunit mayroon palang mga halimaw na pilit nagtatago sa kadiliman.

Kung gusto mo ang isang bagay, gagawan at gagawan mo ito ng paraan. Mapanganib man... o sana'y hindi. Kung ayaw mo sa isang bagay, magkakaroon ka ng maraming dahilan. Katotohanan man.. o sana'y kasinungalingan nalang.

May mga bagay sa mundo na pilit itinatago... ang iba ay para sa kaligtasan, ang iba naman ay para sa kasamaan. Ngunit walang sekretong hindi mabubunyag.. maliban na lamang kung ito'y nanaisin mong malaman.

Sabi nila... masakit ang katotohanan... ngunit masarap naman ang kasinungalingan. Natatandaan ko pa noon na pinapili ako ni Hanako sa kung anong pipiliin ko sa dalawa. Hindi ako makapaniwala na pinapapili niya... ngunit mas hindi ako makapaniwala sa naging desisyun ko. Mamuhay man ako sa kasinungalingan ayos lang, hangga't ramdam ko ang kapayapaan at hindi ako nasasaktan. Oo duwag ako, duwag akong malaman kung sino ba talaga ako. Duwag akong masaktan sa katotohanan sa pagkatao ko. Duwag ako... at mahina.

Natatandaan ko pa noon na sinabi niyang nasa iisang silid lamang ang lahat ng kasagutan sa tanong ko. Ngunit wala akong planong hanapin ang silid na iyun. Wala akong planong hanapin ang lahat ng kasagutan sa mga tanong ko. Kumbaga.... a question without answers.

"Shizuka."

Napakurap-kurap ako at napalingon kay Noah. Nakatingin siya sakin habang hawak hawak ang mapa.

Kanina pa pala kami nakalapag. Masyadong malalim ang iniisip ko at natulala ako. Agad akong bumaba mula sa pagkakasakay sa Horagel.

Nandito na kami ngayon sa ikatlong bundok. Lumapag ang mga Horagel sa isang maliit na open space. Ang buong bundok kasi ay napupuno ng mga naglalakihang mga puno. Parang giant trees sa unang bundok na dinaanan namin. Maraming salamat talaga sa mga Horagel dahil hindi na namin kinakailangan pang daanan ang lawa at ang ikalawang bundok.

Ngayon... ang problema nalang namin....

Ay ang dilim sa paligid at sa katotohanang ito ay tahanan ng mga halimaw. Kakaibang halimaw.

Gabi na at tanging ang buwan na lamang ang nagbibigay ng liwanag. Ngunit dahil nga sa naglalakihang mga puno ay hindi nakakalusot ang liwanag ng buwan kaya madilim ang paligid.

Napahinga ako ng malalim bago lumapit kay Noah. Itinago niya ang mapa at agad siyang naglabas ng apoy sa kaniyang kamay bilang liwanag. Parang nag-aapoy ang kaniyang palad.

"Huwag kang aalis sa tabi ko, maliwanag ba Shizuka?"

Tumango ako bilang sagot.

Gabi at madilim na. Oras na para maglabasan ang mga halimaw. Naisin ko mang bukas na namin ipagpatuloy ang paglalakbay, huli na para hilingin yun dahil naririto na kami.

Nakakatakot na nga ang kadiliman, nagpapataas pa ng balahibo ang malamig na hangin.

Tingin palang sa paligid ay panganib na agad ang mararamdaman. Madilim, naglalakihang mga puno. Hindi pa kami sigurado kung kami lang ba ang naririto... o mayroong iba na pilit nagtatago.

Isang malakas na ungol ang siyang dahilan upang kainin agad ako ng takot at kaba.

Agad naming nilibot ang aming paningin upang hanapin ang nilalang na umungol. Malakas ang ungol at nakakatakot, ume-echo pa ito.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now