Kabanata 40

294 16 0
                                    

Shizuka

          Napahinga ako nang malalim at nanatiling nakatingin sa larawan ni Reyna Sakura. Hindi ko alam kung bakit pero habang naglalakad at nag-iisip ako, dito ako inihinto ng mga paa ko.

          Nakarinig ako ng yabag pero nanatili ako sa pwesto ko. Ramdam kong papalapit na siya sa akin pero... ramdam ko ring sinusubukan niyang umiwas. Buong akala ko ay hihinto siya at haharapin ako pero... nagpatuloy siya sa paglalakad at nilagpasan lang ako.

          "Napakaganda niya hindi ba?" Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil alam kong napahinto siya sa paglalakad. "Gusto ko siyang makita ng personal." saad ko at nilingon siya. Nakatalikod siya sa akin. "Mabait ba siya?"

          "O-oo." sagot niya habang nakatalikod.

          N-noah...

          "Sa tingin mo, magkakasundo kami?" tanong ko.

          Lumingon siya sa akin pagkatapos ay tumango. "Mapagmahal din siya." saad niya at tinignan ang larawan. Walang pagbabago sa itsura niya at wala ring emosyon pero.. mahahalata sa kaniyang mata ang pagod... at sakit.

          Napangiti ako at muling humarap sa larawan. "Napakaganda niya." bulong ko. Sigurado akong maraming manliligaw si reyna Sakura noong prinsesa pa lamang siya. "Pero mas maganda pa rin ako."

          "Oo naman, mas maganda ka----" Napalingon ako sa kaniya. Agad siyang umiwas ng tingin. "Ahmm g-gabi na.. hindi ka pa ba matutulog?"

          Mas lalong lumawak ang ngiti ko.

          Got you.

          "Ayoko pang matulog." saad ko at naglakad palapit sa kaniya. Pilit siyang umiiwas ng tingin. Pinilit kong hindi tumawa nang makita ang pamumula ng mukha niya.

          "G-ganun ba... s-sige..."

          "Ang cute mo." naibulong ko. Napatingin siya sa akin saglit pero muli siyang umiwas.

          "H-huh?"

          "Ang cute mo mamula Noah." saad ko. Hindi makapaniwalang tinignan niya. Napailing-iling siya at tatalikod na sana siya ngunit agad kong hinila ang braso niya at hinarap sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinurot ko ang pisngi niya.

          "T-teka.. Shizuka..."

          "Ang cute mo, grrrr." nanggigil na saad ko at mas lalong diniinan ang pisngi niya. Pulang pula na ang mukha niya at hindi siya makatingin sa akin.

          "Aray.. ang sakit."

          "Nanggi-gigil ako sa'yo." saad ko at mas pinanggigilan ang pisngi niya.

          "S-shizuka..."saad niya at hinawakan ang kamay ko para tanggalin ito. Napatigil ako at napatitig sa kamay niyang nakahawak si kamay ko. Muli kong tinignan si Noah at... nakatingin na siya sa akin. "Nasasaktan ako."

          Hindi ako sumagot at binitawan ang pisngi niya. Nanatili akong nakatitig sa mata niya, na seryosong nakatingin din sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasubsob ako sa malapad niyang dibdib. "Nasasaktan din naman ako ah."

          Natigilan siya. Nanatili kami sa pwesto namin ng ilang minuto bago ako umayos ng tayo. Nakayuko siya at hindi gumagalaw sa pwesto niya.

          "Yah!" sigaw ko dahilan para mapatingin siya sa akin. Wala pa ring emosyon na mababakas sa mukha niya. "Nagagalit ka kapag may kasama akong ibang lalaki. May karapatan din naman siguro akong magalit kapag may kasama ka ring ibang babae, diba? Nagagalit ako sa inyo ni prinsesa Natsuki!" sigaw ko dahilan upang bumakas ang pagkagulat sa mukha niya. Umecho sa pasilyo ang pagsigaw ko.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now