Kabanata 22

312 20 1
                                    

Third Person

          "Unti-unti na kong kinakabahan, kuya." saad ni prinsesa Keira. Napabuntong ang kaniyang kapatid na si prinsipe Aryan habang nakatingin sa malalim na bangin. Kitang kita ng prinsipe kung paano tumalon si Shizuka upang sumunod kay Noah. Matapos lamunin ng ipo-ipo ay bigla na lamang itong naglaho. Wala silang ideya kung anong nangyari at nasaan na ang dalawa.

          Natalo nila ang mga Pyotim matapos maglaho nila Noah at Shizuka. Kinain kasi ng galit si prinsesa Keira at tuloy tuloy na nakipaglaban. Aksidente niyang nasaksak ang bandang dibdib ng Pyotim.. na walang iba kung hindi ang tanging kahinaan ng halimaw. Napatay nila ang isa pa sa pagsaksak sa dibdib nito, at ang isa pa hanggang sa matalo nila ang lima.

          Walang nakakaalam kung paano papaslangin ang Pyotim. Kaya malaki ang tuwa nila dahil sa wakas ay nahanap na nila ang kahinaan ng Pyotim. Ngunit nawala rin ang tuwa nang muling maalala na nawawala ang kanilang kasama.

          "Bukas. Maghintay tayo hanggang bukas. Kung hindi sila makabalik, isa sa atin ang magbabalik sa ating tahanan at hihingi ng tulong." Hindi makapag-isip ng maayos si prinsipe Aryan. Kinakabahan siya, nalilito, natatakot. Tanging paghihintay lamang ang magagawa at naiisip niya. Katabi niya ang tahimik din na si prinsipe Makki. Tila nawala ang pagiging makulit niya dahil din sa pag-aalala.

          "Kailangan pa ba?"

          Napalingon ang tatlong magkakapatid nang makarinig sila ng pamilyar na tinig. Napatayo si prinsipe Aryan at hindi makapaniwalang tinignan ang nilalang na siguradong nagsalita.

          "Teka---"

          "Nasaan sila?"

          Natahimik ang tatlo nang marinig ang malalim na tinig ng kanilang ama. Hindi sila makapaniwala sa nakikita nila. At... hindi nila alam kung paano sasagutin ang tanong sa kanila.

          Nasaan nga ba sila Shizuka at Noah? Hindi nila alam.

          "Isang ipo-ipo ang lumitaw. Nahulog si Noah at kusang tumalon si Shizuka." mabilis na saad ni prinsipe Makki. Muntik na siyang matumba nang isa sa babaeng kaharap niya ang lumapit at tinignan siya ng masama.

          "Hindi ito ang panahon para magbiro, Makki." Napalunok si prinsipe Makki dahil sa sama ng tingin sa kaniya ng kaharap.

          "Totoo ang sinasabi niya." Pagsingit ni Prinsipe Aryan.

          "Kung gayon, ilang oras na silang wala?"

          Napalunok si prinsipe Makki. "Tingin ko ay dalawampu't pitong oras na----"

          "Hanapin sila!"

          Isang lalaki ang lumabas mula sa pagkakatago sa malaking katawan ng amang hari ng Menshin. Ipinikit ng lalaki ang kaniyang mata sa loob ng sampung segundo bago itinaas ang dalawang kamay at isang malabong imahe ang lumitaw sa ibabaw ng palad niya.

          Imahe ni Shizuka at Noah na kapwa nakahiga sa isang gubat. "Dalawang kilometro ang layo mula rito. Bundok ng Karuma."

          Nanlaki ang mata ng magkakapatid. Hindi nila inakalang mayroong nilalang na kayang hanapin ang sino mang nawawala sa ilang segundo lamang.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now