Kabanata 47

308 14 0
                                    

Shizuka

          "Shizuka! Saan ka pupunta?!"

          Hindi ko pinansin ang sigaw ni Noah at nagpatuloy sa pagtakbo palayo. Nilagpasan ko lang ang mga shin sa daan na mahahalatang nagtataka nang makitang tumatakbo ako.

          "Shizuka, hintay!" Agad akong napalingon at nakita si Noah na sumasabay sa pagtakbo ko. Ang bilis niyang makasunod.

          Nagtaka ako nang mapansin ang kakaibang emosyon sa mata niya. "Ayos ka lang ba?" tanong ko.

          Hindi niya ko nilingon. "Ito ang pangalawang pagkakataong makita ko siya," sagot niya.

          N-noah..

          Hindi na ko nagsalita at nagpatuloy na lang sa pagtakbo. Hindi na kami nag-abala pang bumaba ng hagdan at nagpadulas na lang kami sa hawakan nito. Pagdating sa gitna ay sabay kaming tumalon pababa at muling nagpatuloy sa pagtakbo palabas. Ramdam ko ang tingin ng lahat ng shin sa paligid. Ang iba ay nagtataka, ang iba ay namangha dahil sa mabilis naming pagbaba.

          "Shizuka! Noah! Saan kayo pupunta?!"

          Napatigil kaming dalawa ni Noah sa pagkatakbo nang isang babae ang humarang sa daraanan namin.

          "Timberland," sagot ko kay Honoka. Nasa likod niya sila Daisuke na nagtatakang nakatingin sa'min.

          "Huh? Anong gagawin niyo dun?" tanong ni prinsipe Sheun.

          "Mahirap ipaliwanag. Pero pwede bang manatili kayo rito sa palasyo at hanapin ang hari?"

          Kita ko ang pagbakas ng gulat sa mukha ng Shindae. Si prinsipe Sheun naman ay natulala na lang bigla. Kahit sino naman ay hindi inaasahan ang sinabi ni Noah. Naiintindihan ko ang Shindae. Si Noah nga na isang prinsipe ay isang beses lang nakita ang hari, ang iba pa kaya...

          Pero... siguradong mas magugulat sila sa katotohanang natuklasan namin ngayon ni Noah.

          "Ang h-hari? T-teka.. ano bang sinasabi niyo---"

          "Nakaharap siya si Shizuka!"

          Nagulat kaming lahat dahil sa pagsigaw ni Noah. Agad kong hinawakan ang mga braso niya pero nanatili siyang nakayuko. Ramdam ko pa ang panginginig niya.

          Ngayon ko lang nakita si Noah na ganito.

          "Kalma!" sigaw ni Honoka.. napatigil siya at nagtatakang tinignan kami. "H-huh?"

          Hindi ko na lang pinansin si Honoka at mabilis kong hinawakan ang kamay ni Noah.
"Halika na!" Hinila ko siya at sabay kaming tumakbo. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya dahil nanginginig pa rin ito.

          "Sama kami!"

          Napalingon ako at sumasabay na sa pagtakbo namin ang Shindae. Hindi pa rin nawawala ang gulat sa mukha nila lalo na kay prinsipe Sheun.

          "H-honoka.."

          "May isang kawal na lumapit sa'min at sinabi niyang may kakaibang nagaganap sa Timberland. Magtutungo kami roon. Hindi tayo sigurado kung kailan muli aatake ang grupo nila Alena."

          T-timberland..

          H-hindi kaya... nagbalik si Satana...

          Pero... nandun si Regina kaya kung may gawin man na kakaiba si Satana ay paniguradong mapipigilan siya ni Regina... pero.. kung si Regina at Sakura man ay iisa.. ibig sabihin... magkakaharap ang magkapatid, ang magkaaway.

Nirvana IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon