Kabanata 23

338 13 6
                                    

Shizuka

          Inis na binagsak ko ang takip ng isang kahon nang wala akong makitang mapa sa loob nito. Niloloko lang ba kami ni Chloe? Eh wala nga kaming makitang mapa rito eh.

          "Dahan-dahan lang."

          Pakiramdam ko'y nagsitaasan ang balahibo ko sa batok nang maramdaman ang mainit na hininga ni Noah. Nag-init ang mukha ko at nanigas sa aking pwesto. Sobrang lapit niya. Halos maramdaman ko na ang malapad niyang katawan sa likuran ko.

          "Shizuka."

          Bwisit! Ang pagtawag niya sa pangalan ko.... bakit parang nang-aakit ang lalaking 'to?

          "Makakauwi rin tayo."

          A-ano bang...

          Napakunot ang noo ko. "Alam mo kung anong natuklasan ko kagabi?" tanong ko.

          "Hindi. Pwede ko bang malaman?"

          Damn it! Bwisit tong lalaking to! Kung kanina balahibo sa batok ko lang nagsitaasan. Ngayon, lahat na.

          Atsaka, bakit ba siya wagas kung makadikit sakin na kulang nalang ay yakapin niya ko? Bakit ba siya bumubulong sa mismong tenga ko?

          Unti-unti kong kinuyom ang kamao ko. "Pumapatay ako kapag galit."

          Wala pang segundo ay wala na sa likod ko sa Noah, pagkatapos ay nakarinig ako ng ingay. Nang lumingon ako.. nakaupo siya sa isang malaking bato at ngiting ngiting nakatingin sakin.

          Napatingin ako sa labi niya. Pakiramdam ko'y unti-unti ako muling namula.

          Y-yung labi niya.... y-yung mapula at malambot----- Damn!

          Mabilis akong tumalikod at tinakpan ang mukha ko.

          Leche! Leche! Bwisit ka talaga Noah!

          "Errr, ayos ka lang Shizuka----"

          "Manahimik ka!"

          Hindi ko na siya muling narinig na magsalita. Ayos na rin yun, oras na magsalita siya. Matutulad siya kay Huakin.

          Unti-unti kong naibaba ang mga kamay ko.

          Huakin. Tsk. Hindi ko alam kung sino ka. Hindi ko alam kung anong kailangan mo samin at kay Noah. Pero, hindi akong nagsising pinatay kita, kahit na kapalit nito ay hindi masasagot ang ilan kong katanungan.

          "Shizuka!"

          Muntik na kong mapasigaw dahil sa biglang pagsigaw ni Noah. Napalingon ako sa kaniya----

          "Anong ginagawa mo?" Tanong ko. Ano namang pumasok sa isip ng lalaking 'to at naisipan niyang umakyat sa isang sirang upuan at tumayo gamit ang isang paa?

          "Sinusubukang ibalanse ang sarili."

          Napairap nalang ako. Nababaliw na talaga siya.

          "T-teka.... bakit namumula ka?"

          Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya. "Huh? Ano kasi----ahmmm... Pakialam mo ba!" Kainis talaga!

          "Ahahaha Shizuka. Ayaw pang aminin, hindi mo malimot yung halik ko kahapon no---- Wahhh! Shizuka!" Napasigaw niya nang maraming sira sirang bakal ang tumama sa upuang kinatatayuan niya. Mabilis siyang nakatalon upang hindi tamaan.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now