Kabanata 82

133 8 0
                                    

Third Person

         Ang paglakas ng pwersa sa paligid ni Shizuka ang tila naging hudyat sa sabay sabay na pagsugod ng malalaking halimaw. Ang mga lamia naman ay mabilis na inatake ang mga kontroladong tao. Ang mga sorcerer ay sunod sunod na bumigkas ng mga salita at naglabas ng mahika na ngayon ay patungo kay Shizuka.

         Nanatili ang dalaga sa kaniyang pwesto habang nakikipagpalitan ng tingin kay Satana.

         Ang mga galamay ng isang halimaw ang ngayon ay mabilis na patungo kay Shizuka. Isang mabilis na bagay ang tumama rito dahilan upang maputol. Ang halimaw na nagmamay-ari ng galamay ay bigla na lamang nagliyab ng asul at unti-unting natunaw, ganun din ang iba pa. Ang ibang halimaw naman ay napapatigil dahil biglang binabalot ng yelo ang ibang parte ng katawan at nawawalan ng hininga dahil sa mga yelong kristal na tumatama sa kanila.

         Ang mga sorcerer sa lupa ay nalipat ang atensyon sa dalawang lalaki na seryosong nakatingin sa kanila. Sunod sunod na atake ang kanilang ibinato ngunit mabilis itong iniwasan ng dalawa at umatake. Kung hindi nawawalan ng malay dahil sa saksak ng espada, natutumba naman ang iba dahil sa pagtama ng kidlat sa kanilang katawan. Ang ibang sorcerer ay binalak na tumakas ngunit napapatigil dahil sa white transparent shield na biglang pumapalibot sa kanila.

         Samantalang ang mga lamia ay napatigil sa pagsugod dahil sa biglang pagliyab ng kanilang daraanan. Ang apoy ay tila ahas na umikot sa mga lamia hanggang sa makulong sila sa gitna nito. Mula sa apoy ay isang lalaki ang lumabas na mabilis sinugod ang mga lamia.

         Agad namang pinaikutan ng mga tangkay at baging ang mga wala sa sariling tao. Dahil nakapulupot dito ay nasasama sila sa paggalaw ng tangkay at baging. Ang mga ito ay kusang gumalaw palayo sa labanan.

         Napakunot ang noo ni Satana habang nakatingin sa paligid.

         "Ikaw na mismo ang nagsabi."

         Nalipat ang tingin niya kay Shizuka. Naglalabas ng lilang liwanag ang dalaga habang pinalilibutan ng kakaibang usok. Kitang kita rin ang malakas na pwersang inilalabas ng katawan nito.

         "Nandito ang Shindae at si reyna Sakura," sambit ni Shizuka at sinalo ang paparating na espada. "At isa pa, kung ang sarili ko ngang tadhana ay nabago ko, sumpa pa kaya?"

         Nakangising naglabas ng espada si Satana. Isang malakas na pagkidlat ang tila naging hudyat sa mabilis na pagsugod ng dalawa sa isa't isa. Ang pagtama ng kanilang mga espada ay nakabuo ng malakas na pwersa dahilan upang mapalayo sila sa isa't isa.

         Hindi na nagdalawang isip si Shizuka at muling sumugod. Mabilis ang pagkilos niya ngunit nasasabayan pa rin ito ni Satana. Muling nagtama ang kanilang mga espada. Malakas na itinutulak ng dalawa ang hawak na sandata. Biglang binitawan ni Shizuka ang kaniya dahilan upang mawalan ng balanse si Satana. Mabilis siyang umikot at malakas na sinipa sa tiyan ang kaharap dahilan upang tumalsik ito palayo. Sinundan ni Shizuka si Satana at binigyan naman ito ng malakas na suntok. Nasalag ni Satana ang suntok gamit ang mga braso pero may kasama itong pwersa kaya naman muli siyang tumalsik palayo.

         Muling sumugod si Shizuka. Kailangan niyang mailayo si Satana. Kailangang kalabanin ang reyna malayo sa kahit na sino.

         Alam niyang nakisali ang Shindae at si Sakura sa laban upang ang buong atensyon niya ay na kay Satana lang. Upang walang makisali sa kanilang paglalaban pero... hindi siya makaramdam ng tuwa rito. Hindi niya magawang pasalamatan ang mga kasama.

         Tama, hindi na dapat sila sumali.

         "Walang sino man ang dapat lumapit kay Satana nang ilang metro bukod kay Shizuka," sambit ni Sakura habang nakatingin sa arena kung nasaan si Satana. Nilingon niya ang Shindae na seryosong nakatingin sa kaniya. Halata sa Shindae na gustong gusto ng sumugod ngunit hindi magawa dahil kailangan muna nilang magpulong. "Walang makikisali sa laban ng dalawa."

Nirvana IIOnde histórias criam vida. Descubra agora