Kabanata 16

349 16 2
                                    

Shizuka


          Alam kong nakakalikha ng kasamaan ang matinding galit. May kamatayan, may sakitan. Ngunit kahit kailan ay hindi ko inaasahang na darating ang panahon na lalamunin ako ng galit at makagagawa ng masama.

          Muntik ko ng masira ang tahanan ng mga Menshin. Hindi ko alam kung paano nangyari yun dahil ang buong atensyon ko ay na kay Hulyo.

          Kay Hulyo na siyang dahilan ng lahat ng nangyari ngayon. Wala ng tubig sa lawa, wala ng talon dahilan upang tumambad ang kweba at makita ang tahanan ng hari't reyna. Patay na ang mga puno. Hindi man nalalaglag ang mga dahon ngunit kulay brown na ang mga ito.

          Wala na.... tuluyan ng nawala ang puno... tuluyan ng nawala ang bagay na pinagkukunan ng buhay ng mga Menshin.

          Mula rito sa silid kung nasaan ako ay rinig na rinig ang ingay at iyakan mula sa labas. Iyak at daing ng mga Menshin. Alam kong tunay na malakas ang mga Menshin, pero lahat ay may kahinaan. Malakas sila at matapang, at ang puno ang kanilang kahinaan.

          Tinakpan ko ang tainga ko. Hindi ko gusto na marinig ang iyak nila. Pakiramdam ko'y kasalanan ko ang lahat. Walang namatay sa Menshin ngunit patay naman ang lahat ng lamia na sumugod.

          Hindi ko alam kung anong nangyayari sa labas dahil iyak lang nila ang naririnig ko. Hindi ko alam kung anong ginagawa ng grupong Gaiji at ni Noah. Kanina... kanina ay basta basta nalang ako hinila ng reyna at dinala rito sa silid na ito pagkatapos ay iniwan. Nakasara ang pinto, at hindi ako sigurado kung naka-lock ba yun o hindi.

          Walang akong makitang salamin sa silid na ito kaya hindi ko alam kung ano ng itsura ko. May bintana pero isinara ko kanina. May kama, iilang upuan at mesa. May tila bihisan sa gilid na hindi ko pa nasisilip ang loob.

          Napalingon ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang grupong Gaiji. Nauuna si prinsesa Keira na tila nagmamadaling lumapit sakin. Tumayo ako upang salubungin sila. 

          "Prinsesa Keira---"Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng isang palad ang dumampi sa pisngi ko. Napatagilid ang mukha ko. Ramdam ko ang hapdi ng pisngi ko dahil sa malakas na sampal ng prinsesa.

          Sinampal niya ko. Sinaktan niya ko. Dapat lang sakin 'yun.

          "Keira!" rinig kong sigaw ni prinsipe Aryan. Nanatiling nakatagilid ang mukha ko.

          Ayoko silang tignan. Ayoko.

          "Aaminin kong humanga ako sayo dahil sa kakayahan mo. Pero ngayon... hindi na!"

          Napalingon ako kay prinsesa Keira.... a-ano raw?

          "Keira, tama na." pag-awat ni prinsipe Aryan sa kapatid niya. Dalawa na silang nakahawak ni Demetri kay prinsesa Keira upang hindi siya makalapit sakin.

          "Hindi maaring magpadala sa galit ang isang myembro ng Shinai-yo. Ginagamit mo ba ang utak mo kapag nakikipaglaban ka?!"

          Teka.... ayoko ng tanong niya ah.

          "Kahit ako gusto ko ng paslangin a-ang... ang walang hiyang lalaki na 'yun. Pero pinigilan ko ang sarili ko.. dahil wala mang kwenta ang buhay niya, kakailangan natin ng kaalaman niya. Siya ang naglagay ng lason sa puno. Inisip mo ba na maaring siya lang din ang nakakaalam ng gamot?!"

          Gamot... hindi ko naisip ang bagay na 'yan.

          Pinatay ko si Hulyo... pinatay ko ang lalaking naglason sa puno. Pinatay ko ang lalaking maaring may alam sa gamot.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now