Kabanata 29

354 16 1
                                    

Third Person


          "S-shizuka..."

          Napalingon si Shizuka kay Daisuke na biglang napa-atras. Nagtaka ang dalaga dahil maski si prinsipe Sheun ay napalayo sa kaniya.

          "Problema niyong dalawa?" nagtatakang tanong ni Shizuka.

          "Huh? Ahahaha a-ano kasi..." Napatigil sa pagsasalita si prinsipe Sheun at napasimangot. "Huwag kang ngumiti ng ganyan, Shizuka. Nakakatakot ka."

          Nawala ang ngiti ni Shizuka at napasimangot. Muli siyang tumingin sa Ranaske. Hindi niya napansin na napapangiti na pala siya habang iniisip kung paano papatayin ang Ranaske. Tila sumanib sa kaniya ang kabrutalan ni Honoka.

          Napapalibutan silang tatlo ganun din si Hikari at Honoka ng transparent white shield dahil patuloy pa ring sumusugod sa kanila ang galamay ng Ranaske.

          "Anong plano, Shizuka?" tanong ni Daisuke habang nakatingin kay Hikari. Hindi siya makapaniwalang maiisip ni Hikari na hayaang makontrol ang sarili para lang makalaban si Shizuka.

          "Plano?" Napangiti si Shizuka. Hindi niya alam kung bakit pero tila nais niyang maging brutal ngayon. "Patayin ang Ranaske!" malakas na sigaw ni Shizuka at mabilis na tumakbo. Tumagos lang siya sa shield na binuo ni Daisuke.

          Mabilis ang pagtakbo ni Shizuka kaya hindi na siya napigilan pa ng dalawa. Maraming galamay ang sumubok na atakehin ang tumatakbong si Shizuka ngunit pinipigilan ito ng dalawang binata.

          Huminto sa pagtakbo si Shizuka nang biglang magsigalawan ang mga ahas sa ulo ng Ranaske. Humaba ito... at sumugod sa kaniya ang iilan. Inikutan siya ng puting usok na siyang proteksiyon niya. Sa tuwing dumidikit ang ahas sa puting usok sa kaniyang paligid ay tila napapaso itong napapalayo.

          Nagpatuloy sa pagtakbo si Shizuka. Naglabas siya ng isang mahabang sibat na kulay puti at nag-aapoy. Gamit ito ay nilabanan niya ang mga ahas at pinatay ito. Hindi niya alam kung saan niya nakukuha ang lakas at bilis. Ito ay maihahalintulad sa lakas at bilis niya noon nakipaglaban siya kay Sara. Lakas at bilis na mahirap pigilan.

          Kaunti nalang ay makalalapit na siya sa walang malay na si Noah... ngunit tatlong malalaking ahas ang mabilis na pasugod sa kaniya. Napahinto siya sa pagtakbo at itinaas ang kaniyang kamay. Pumikit siya ng mariin ng ilang segundo at sa pagdilat niya... ang kayumanggi na kulay ng kaniyang pupil ay napalitan ng puti. Kasabay nito... ay ang paglabas ng puting liwanag sa nakataas niyang kamay.

          Malakas na ungol ang pinakawalan ng tatlong ahas. Nagwala ang mga ito. Ang balat nila ay tila natutunaw. Pabago bago ang kulay ng mga mata nito.

          Napatigil si Shizuka at hindi makapaniwalang tinignan ang kamay na naglalabas ng puting liwanag. Sa hindi malamang dahilan ay naalala niya ang naganap sa kaharian ng Zenshin. Ang puting liwanag na tumama noon sa gubat na siyang dahilan ng pagkakaroon ng malaking harang sa pagitan ng tahanan ng mga Zenshin at tahanan ng mga halimaw.

          Sigurado hindi siya ang dahilan ng liwanag noon pero... paano siya nagkaroon ng kapangyarihang puting liwanag? Nagkataon lang ba na parehas sila ng kapangyarihan ng nilalang na tumulong sa kanila noon?

          "Shizuka!"

          Napatili nalang si Shizuka nang maramdamang may yumakap sa kaniya. Sobrang bilis ng pangyayari. Nakita niya nalang ang sarili niya na buhat buhat ni prinsipe Sheun na tumatakbo palayo sa Ranaske. Sa lugar kung nasaan siya kanina ay kasalukuyang may namumuong buhawi. At sa paligid ng buhawi ay napakaraming galamay at ahas. Paniguradong pasugod na ang mga ito kay Shizuka kanina, mabuti nalang at nailigtas siya ni prinsipe Sheun.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now