Kabanata 95

177 12 1
                                    

Shizuka

          "H-huh?!"

          "Ang ibig mong sabihin.. ikaw ang sumabog sa kalangitan kanina?!"

          Agad na bumagsak ang balikat ko at nakasimangot na hinarap si prinsipe Sheun. "Hindi nga ko sumabog at wala kami sa kalangitan. Nasa kalawakan kami."

          "Kalawakan?!"

          "Shizuka, ano bang sinasabi mo?!"

          Napatakip na lang ako ng tainga. Nandito kami ngayon sa malawak na bulwagan. Tanging ang Shindae, Naoshin at si haring Shun lamang ang naririto. Walang kawal o tagasilbi sa paligid. Pina-alis nila. Lahat sila ay nakatayo lamang sa harapan ko kaya pakiramdam ko isa akong kriminal ngayon.

          "Shizuka."

          Napalingon ako kay Noah na ngayon ay seryosong nakatingin sa'kin. Napabuntong hininga na lang ako at naibaba ang mga kamay.

          "Wala na siya," mahinang sabi ko.

          "Sino?"

          "Si Sabrina.. wala na siya."

          "Matagal ng wala si Sabrina."

          "Hindi!" Napatigil ako at napabuntong hininga na lang. Malungkot ko silang hinarap. "Ang babae.. ang babae sa loob ko na siyang pinaglalagyan ng kapangyarihan ko.. wala na siya."

          Bumakas ang gulat sa ilan sa kanila.

          "Ibinalik na niya ang kapangyarihan ko sa'kin," mahinang sambit ko at tinignan ang isang kamay. "Hindi pa talaga oras dahil hindi pa kaya ng katawan ko pero.. ibinigay niya ang lahat ng kaniya.. para kayanin ko."

          Naikuyom ko ang nakataas na kamay. "Sa madaling salita.. nasa akin na ang kapangyarihan ko. Ang tunay at buo."

          Salamat.. maraming salamat, Sabrina.

          Binaba ko ang kamay at muli silang hinarap. "Alam kong nagtataka kayo dahil kahapon ay ibang ako ang nakaharap niyo. Si Sabrina 'yun... ang babae. Hinayaan ko siyang kontrolin ako dahil.. dahil.. nais niya lang naman maranasang magkaroon ng sariling buhay, makita ang mundo gamit ang sariling mga mata. Iyun lang ang nais niya kaya matapos nito.. handa na siyang maglaho."

          Kaya lagi siyang lumalabas.. dahil nais niya lang makita ang labas, ang Nirvana. Nasa loob ko pa rin siya kaya nadarama ko ang ilang nadarama niya.

          Nais niya lang maranasan kahit isang beses na maging normal pagkatapos.. handa na siyang bumitaw.

          "Kinakailangan naming magtungo sa kalawakan dahil hindi kaya ng Nirvana ang proseso," dagdag ko.

          Ang proseso ng paglagay ng kapangyarihan sa'kin. Ang tadhana ng kapangyarihan ko ay wasakin ang Nirvana.. kung gagawin namin ang paglipat dito ay baka matuloy pa ang tadhana.

          Ayon sa Shindae kanina, kitang kita nila ang lakas ng kapangyarihan ko kahit sabihing natatakpan ito ng kumpol na ulap. Sigurado silang nakita rin ito hindi lang ng ibang kaharian ng shin kundi maski iba pang nilalang.

          Sa lakas daw nito ay umabot sa kanila ang liwanag at ang tunog ay tila malakas na pagsabog. Pero ayon kay Noah ay wala siyang narinig na pagsabog, tanging ang lakas lamang ng liwanag.

          "Sinama ko si Noah dahil kapag hindi ko kinaya.. may gigising sa'kin," dagdag ko at nginitian si Noah na sinimangutan lang ako. Alam kong nagulat at labis siyang natakot sa nangyari kanina.

Nirvana IIWhere stories live. Discover now