Kabanata 15

310 16 0
                                    

Shizuka

          Nanganganib... ang buhay nila?

          "Magpaliwanag kayo." seryosong saad ni Noah.

          Napabuntong hininga si prinsipe Aryan. "Humihina ang liwanag na lumalabas sa puno ng Mategen kapag ito'y nanganganib. Tatlong araw ang nakalilipas. Nakaramdam ang mga kawal na bantay na tila may nakamasid sa kanila. Tuwing gabi ay humihina ang liwanag ng makapangyarihang puno."

          "Gabi noong nakaraang araw. May kung sinong biglang umatake sa mga bantay na kawal. Malakas sila. Hindi nagagamit ang kapangyarihan ng tubig sa kapangyarihan nila. Akala namin isang beses lang sila aatake. Ngunit naulit ito kagabi at kasama ako sa inatake. Malalakas sila. Nakaitim sila, sa hugis ng katawan at kilos nila ay sigurado akong shin sila." dagdag ni prinsesa Keira.

          Shin? At sinong shin naman ang magbabalak na saktan ang puno ng Mategen.... maliban nalang kung sila ay taksil na mga shin.

          "Wala sana kaming plano na hingin ang tulong ng kahit na sino na mula sa ibang kaharian. Ngunit kaninang umaga lamang ay muling humina ang liwanag at kumukonti ang tubig na inilalabas ng puno. Bumalik lamang ang puno sa normal ng dumating ang hari't reyna. Sumakto na dumating ang sulat mo prinsipe Noah kaya napagdesisyunan naming humingi na ng tulong." saad ni Demetri.

          "Hindi nakakaya ng tubig ang mga umatake samin. Ibig sabihin... may posibilidad na hindi namin magagawang matalo ang mga umaatake. Sa ngalan ng kaharian ng Menshin, humihingi kami ng tulong sa inyong dalawa." saad ni prinsipe Aryan.

          Nagkatinginan kami ni Noah. Wala akong lakas at tiwala sa sarili ko na makakaya ko o makakatulong ako sa kanila. Pero... nanganganib ang buhay nila.

          "May ideya ba kayo kung sino ang mga umatake?" tanong ni Noah.

          "Atrocious Lamia. Mabibilis ang kilos nila at kapag nasusugatan namin sila ay naghihilom ito."

          Lamia... ang taksil na shin na yun.

          Napaiwas bigla ng tingin si Noah. Paniguradong iniisip nya nanaman na maaring isa siyang lamia. Pero.. wala naman siyang superspeed at super strength tulad ng mga lamia. Tanging paghilom sa sarili at itsura lamang ang pagkakatulad niya sa isang lamia.

          Lamia. Hirap akong tumalo ng atrocious sorcerer pero sa tingin ko nama'y makakaya kong makatalo ng lamia.

          Napabuntong hininga ako at pasimpleng kinalabit si Noah. Nagtatakang lumingon siya sakin. Nanatili akong nakatingin sa kaniya, tingin na may ibig sabihin.

          "Sige Gaiji, tutulong kami."

          Napangiti ang dalawang lalaki habang napaiwas naman ng tingin si prinsesa Keira. Gaiji? Iyun marahil ang pangalan ng grupo nila.

          Pero... may tanong pa sa isip ko.

          "Bakit naman nais saktan ng mga lamia ang makapangyarihang puno?" tanong ko. Napatingin silang lahat sakin.

          "Hindi nila ito nais saktan. Kundi nais nila itong kunin at angkinin." saad ni prinsipe Aryan.

          K-kunin... alam kong mahalaga ang puno at makapangyarihan. Pero ang puno na iyun ay para lamang sa mga Menshin.

Nirvana IINơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ